CHAPTER 2: BUHAY SA LABAS

252 22 5
                                    

MIANHAE!!! :( Sorry po kung ngayon ko lang ito na update ulit. Brownout kasi samin for 1 week eh. Anyways, sorry kung medyo sabaw pa ang mga chapters. Pagtyagaan niyo na lang po ha. :D

* * * *

[SUHO]


Naglalakad na kami ngayon papunta sa loob ng school at kasama ko si Lay. Si Luhan Hyung at Xiumin Hyung ibang university naman ang pinasukan kaya hindi namin sila kasama. Si Kris Hyung naman hindi niya hilig sumabay samin sa pagpasok, may ibang mundo rin kasi yun eh. Napatigil ako bigla sa paglalakad ng makita ko ang babaeng gustong-gusto ko na dumaan at papasok na rin sa loob ng campus.



"Hyung, ayos ka lang ba? Bakit ka tumigil?"




"Nakita mo ba yun Lay?"




"Ha?? Alin? Yung food stand ba? Oo Hyung, kanina ko pa nga yun pinagmamasdan eh."





"HINDI!!! Hindi yun, yung dumaan."
Kumpleto na naman ang araw ko umpisa pa lang, sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa loob ng campus.




"Ahh. Siya ba? Ano nga ulit pangalan niya?? Digimon? Pokemon?"




Kahit kelan talaga ang lalaking to, makakalimutin kaya ayun binatukan ko. "JASMINE! JASMINE!!! Kung anu-ano na lang na pangalan ang binabanggit mo! Teka! Di nga pangalan yun eh! Ungas ka!"




"Chill lang Hyung!!! Lumalaki lalo ang noo mo oh, kunti na lang talaga pwede na siyang paliparan ng eroplano."




"ANONG SINABI MO??!!!!! LAY!!!!!!!"




"WALA HYUNG!!!!!"
Tumakbo na siya ng mabilis bago ko pa man siya mabigyan ng malakas na batok.




"BUMALIK KA DITO!!!"
Hinahabol ko siya papasok ng school pero ang bilis niya talaga tumakbo kaya naman napagiwanan ako.




"KITA NA LANG TAYO SA BAHAY HYUNG!!!"
Natatawang sabi nito sakin. Tumigil na lang ako sa pagtakbo, sinasayang ko lang ang lakas ko sa lalaking yun, humanda na lang siya sa bahay.




[KRIS]




Nagdoorbell ako sa bahay ng girlfriend ko at ang mama niya ang lumabas.




"Good morning po."




"Good Morning din hijo, tara pasok ka, nagbibihis pa si Hyo Jin."
Pumasok kaming dalawa at tumuloy sa sala at doon ako pinaupo.




"Dito ka muna ha, tatawagin ko lang si Hyo Jin."




"Sige po."
Pagkaalis niya sa sala, tiningnan ko ang mga picture frames na nakadisplay sa mga mesa. Mga pictures niya nung bata tsaka silang pamilya ang karamihan sa mga pictures.




"Kris!"
Tawag ni Hyo Jin sakin, tumayo na ako at nagpaalam na kami sa mama niya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ng bus.




"Hindi mo ba alam ang salitang maaga ha?"
tanong ko sakanya.




"Ha? Syempre alam ko, baliw ka ba??"




"Talaga? Eh bakit sa tuwing susunduin kita nagbibihis ka pa lang. Alam mo bang 20 minutes bago ako makarating sa bahay niyo, dapat nga sa 20 minutes na yun ready ka na sa pagpasok."




"Teka nga! Nagrereklamo ka ba?? Tssss. Edi wag mo na akong sunduin next time."
nakasimangot na sagot niya.




"Panong hindi, baka mamaya niyan ano pang mangyari sayo."




Nakita kong bigla siyang ngumiti, "Nag-aalala ka?? Ang sweet naman!!" tuwang-tuwang sabi niya. Kahit kelan talaga ang babaeng to.




"Oo na. Pwede ka na ba tumigil?"
Nakarating na kami sa antayan ng sasakyan at naupo lang siya doon habang ako nakatayo lang, ang dami kasing nagaantay din ng sakayan dito baka maunahan pa kami.  Tiningnan ko ang orasan ko, 5 minutes na lang time na, late na naman siya.  9 am pa kasi ang klase ko kaya ok lang pero siya 7 ang first class niya.   




Lumingon ako para tingnan siya at nakikinig lang siya sa ipod niya. Nakita ko naman na hindi maigi ang pagkakatali ng sintas niya kaya lumapit ako sakanya para ayusin to.




"Anong ginagawa mo?"
tanong nito.




"Sa susunod itali mo ng mabuti ang sintas ng sapatos mo ha, o kung hindi mo naman magawa magpaa ka na lang."




"Ang sungit mo naman, sorry, di ko na napansin eh, nagmamadali na kasi ako kanina."
pagpapaliwanag niya.




"Sige na, tayo na, baka maunahan pa tayo sa sakayan."
Tumayo na siya at hinawakan ko ang kamay niya papunta sa may pole kung saan nag-aantay yung mga tao, bigla namang may bumangga sakanyang lalaki kaya natumba siya sa lupa.

EXO TURNED INTO LADIES (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon