Ava's POV
Itong araw na ito, maghihiwalay na kami, at hindi na kami magkikita kailan man. Matapos sabihin yun ni Kristoff, nawalan na ako ng pag-asa, pag-asang maging kami. Siguro ayaw din ng tadhana na maging kami or di kaya may sorpresang naghihintay sa akin doon. Bata pa rin naman kami kaya dapat ko rin hindi isipin ang love life ko pero ang sabi kasi ng puso ko, dapat isipin ko. Siguro ito rin ang nararamdaman ng iba, lungkot.Nasa aeroplano na ako ngayon, ilang minuto nalang lilipad na ito at lahat ay magbabago. Paalam mga kaibigan lalo ka na Kristoff, sana hindi niyo ako kalimutan dahil ako, malabong makalimutan ko kayo dahil kahit hindi ko kayo na kasamang lubos-lubosan, naging ka close ko kayo.
Kristoff's POV
Umalis na siya at hindi na kami magkikita kailan man. Silang lahat naka alis na pero ako, nangdito pa rin sa airport, kasalukuyang naghihintay sa flight ko. Kaming lahat, kahit hindi namin nakikita ang mga mukha na malungkot pero nararamdaman namin ang isa't isa na malungkot. Ngayon, nararamdaman kong sila ngayon ay gustong bumaba pero hindi makababa dahil hindi naman pwede.Sana nga talaga hindi nila ako makalimutan. Kahit sina Ava at Ariella ay minsan ko lang nakasama pero ngayon, parang naging kaibigan ko sila noon pa man.
Ben's POV
Lumipad na ang aeroplanong sinasakyan ko at hindi na kailan man ako makakabalik. Aalis akong hindi sinasabi ang nararamdaman ko sa kanya? medyo malungkot yun para sa side ko pero kakayanin ko para na rin sa kanya. Siguro may naghihintay sa akin doong sorpresa.
Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? si Kristoff, sure akong naghihintay pa ngayon sa flight niya, narinig ko, mamaya pa yun. Si Ava, Ariella at Jessica ngayon, nasa aeroplano na, ilang minuto nalang, lilipad na yun.
Jessica's POV
Kung sila malungkot, ako rin noh. Alam kong mas magiging malungkot sila kaysa sa akin dahil ni isa sa kanila nagkatuluyan at hindi pa nila makakasama ang isa't isa. Iisipin ko nalang na doon sa pupuntahan nila, may nag aabang na sorpresa, sa akin naman, maagang dumating.
Kung hindi man kami magkakasama ngayon, sa huli magkakasama rin kami. hindi naman pwedeng forever lang kami doon sa pagtra-trabahoan namin kasi sure ako may missions din kami sa ibang bansa, malay mo magkikita pa kami lahat, at the right time, right place and right moment basta maghinatay lang kami.
Ariella's POV
Nakakalungkot pero hindi nakakasakit. Hindi ko alam kung gusto niya ba talaga ako at hindi ko rin nasabi ang feelings ko. Siguro nagpadala ako sa mahiyaing side ko, tama! Kahit personality iba noong magkasama kami pero kahit ako nalungkot rin sa luob. Sa una palang, masaya ako dahil training lang pala pero ng malaman ko na ang totoo, nagsisisi ako, mas importante sa akin ang mga kaibigan kaysa sa opportunity. Kasalukuyan akong nangdito sa aeoroplano na lilipad na mga ilang segundo.
Good bye Philippines! sana naman hindi ako awayin ng mga kasama ko doon dahil......makikilala nila ang bitch side ko kaya maghanda kayo mga alien, joke lang, oy hindi ako racist noh, ganito lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Secret Agent Academy (under major editing)
Teen Fiction(Old story) Si Ava Maria Kristina Block ay gusto maging Secret Agent kagaya ng kanyang mga magulang kaya naging scholar siya sa Secret Academy, isang prestigious school na tinuturuan ang mga estudyante kung paano maging secret agent. Ang abilidad ni...