Chapter 3
Amara's Pov
Busy busy-han ba? Nope, busy talaga ako ngayon. Busy sa pag iisip ng plano kung paano ko uumpisahan ang paghahanap kay Onette. Bakit ba naman kasi yung buntis kong kaibigan ang napagtripan nilang dukutin. Kinakabahn ako para sa babaeng yun, lalo na yung batang dinadala nya. Wala naman akong pwedeng hingan ng tulong ng walang nakakaalam. Hindi ko pwedeng sabihin kay Johann kasi siguradong mag fre-freakout yun. Di naman pwede si tatay kasi ano naman ang maitutulong ng isang haciendero? Tsk! I'm really doomed.
"Aargh!" Inis na binato ko yung ballpen na hawak ko sa pinto ng kwarto ko, eksakto naman na bumukas yun kaya yung ulo ni tay ang natamaan.
"Aray! Ano ba ito, bakit ka ba nagwawala sa kwarto mo?" Pumasok sya sa loob habang kinakamot yung natamaan ko.
"Pasensya po tay." Paumanhin ko.
"Eh ano bang ikinapuputok ng butsi mo?!Mula ng dumating ka kanina ay ganyan na ang mukha mo? "
"Wala lang po ito tay, wag nyo na po akong pansinin."
"Eh kung yan ang gusto mo." Tumayo sa kinauupuan nya. " Handa na ang hapunan. Pahupain mo na yang inis mo at ng makakain na tayo."
"Sige po."
Pagka alis nya, bumalik na naman yung busangot kong mukha. Ghad, nakaka stress to!! Stress na nga sa love life stress pa sa kaibigan. Tsk, wala nga pala akong love life. Inayos ko muna yung table ko bago sinundan si tatay sa kusina. Nandoon na si tatay at nagbabasa ng dyaryo.
"Tay, bat di pa ho kayo naunang kumain?"
Inilapag nya muna yung dyaryo sa bakanteng espasyo sa mesa bago ako tinugon, talagang hinintay kita para sabay na tayong kumain. "Alam kong alam mo na hindi ako gaganahang kumain kung wala ka dito eh."
Nginitian ko sya, my ever sweetest dad. "Asus, nanlalambing na naman si tatay."
Tapos na kaming kumain habang nagku-kwentuhan. Si tatay Fernando Jasmin ang ama ko, si nanay naman ay namatay daw eksaktong pagkapanganak sakin kaya alagang alaga ako ni tatay. Sa baryo lang kami nakatira pero di naman kalayuan sa bayan kung saan nakatira sina Onette at yung asawa nya. Speaking of, hanggang ngayon ay di pa rin ako nakakapag isip ng paraan kung paano ko sya sisimulang hanapin.
"Oh, bakit naman umasim ang mukha mo 'nak?" Napansin pala yun ni tatay. Nasa sala kami ngayon, nanonood.
"Wala naman po tay."
"Wala daw, baka naman pinag iisipan mo na yung pakiramdam na napag iiwanan ka na ng panahon?" Pabirong utas nya.
"Naku tay, hindi po ah!" Pabiro ko syang hinampas kaso napalakas ata kaya medyo natumba sya at napahawak sa bandang dibdib. "Ayy! Sorry tay, pasensya na napalakas!!" Dagli ko syang pinaayos ng upo kaso nginitian nya lang ako sabay sabing...
"Hehe, biro lang. Ha ha ha ha" nasapo ko ang aking noo. Jusko naman taaaaay, magbibiro na nga yung sya lang ang natatawa.
"Kayo talaga tay... "
Ilang sandali pa ay sumeryoso na ito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Letter Story
General FictionWARNING: SPG/R+18 Restricted Area Do Not Cross! READ AT YOUR OWN RISK! (Soon To be Publish UNDER RED ROOM) @Mercyzmhyr @ellie-chan25 @heartbreakeeerz