Chapter 4: What a Surprise!

95 4 0
                                    

Sh*t! How come I didn't saw her a while a go? STUPID ME! For petes sake! She's MY BEST FRIEND!! Her fav. topic? Circulatory System. Talent? Dancing. Hobby? Eating, Singing and Gumala ng Gumala. I know her too well!

"Favorite topic, Circulatory system." See? Told ya! "My one and only talent, Dancing. And my hobbies?" This time, tumingin na 'ko sa kanya with my widest smile. "Kumain, Kumanta kahit alam kong lilindol na pag kumanta ako and Gumala ng gumala ng gumala!" And with that, she winked at me. Goodness! I didn't expect that she'll transfer here. She surprised the hell out of me! Para akong tanga na napakalaki ng ngiting nakaukit sa akin mga labi. So what? I'm damn happy to see my best friend here.

Ng matapos na ang introduction ng lahat lahat ay nag bigay nalang ng reminders, pointers, mga percentage ng quizes, exams and etc.. Tapos kwento kwento, bell rings and DONE!

Ganon ganon lang din ang ginawa namin sa isa pang subject and after that is our break time!

As the bell rings as a sign of our break, I headed straight to Zealle. Pagbell na pagbell palang ay tumayo na agad ako. Wala eh. Excited eh. Haha!

"Hoy bruhildang hampaslupa!" Sigaw ko sa kanya pagdating ko sa likuran nya. Mag-aayos nalang kasi ng bag, nakatayo at nakatalikod pa.

"Ay! Punyetang tarsier!" Tarsier padin? Malaki daw mata ko eh. Ewan ko ba kung anong klaseng mata ang meron dito sa babaeng 'to at sinasabi nyang malaki raw ang mata ko. Humarap sya sa akin with her biggest smile tapos pinalitan nya agad ng malakontrabidang tingin. Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Napakadali mag-change ng emotions. "Oh? Anong kailangan mo?" Nag-iinarte. Sus. 'Di uubra sa akin yan!

"Bakit? Ayaw mo akong makasabay sa break-time? Oh sige. Dyan ka na. Bye!" Papaalis na sana ako ng hinila nya ang braso ko at bigla akong niyakap. 'Di talaga ako matiis eh. Hahaha!

"Namiss kitang tarsier ka! Kahit kelan talaga ikaw lang ang nakakapagawa sa akin ng ganito!" Sigawan daw ba ako habang nakayakap kaming dalawa? Kaya ayun. Humiwalay ako. Baka mamaya, mabingi pa ako. Ayoko no!

"Walang hiya ka talaga! Tama ba yung sigawan mo ako habang magkayakap tayo!? Alam mo bang ansakit nun sa tenga!?" Sigaw ko pabalik sa kanya. Sorry ha? Ganito talaga kaming mag-lambingan eh. Ang sweet no? -_-

"Ah- ehehehe~ Sorry melabs!" Sabay peace-sign nya. Parang ganito ang mukha nya oh- ^_^v "Kiss nalang kita. Dali na ditoooo~" Grabe no? Baliw na best friend ko. At ayun, wala akong nagawa. Nagpakiss nalang din ako. Hahaha!

"Oh? Tapos ka na sa pag-iinarte mo?" Emotionless kong tanong sa kanya.

"Yup. Oy Jaja, palit tayo ng buhok? Hehehe~" Ang Jaja/Ja, ay "Short-cut" daw yun ng Jade. Ang tamad nya no? Pero grabe lang.. Kahit ano ano nalang ang pumapasok sa isip nya. Misan talaga, napaka-unpredictable nya.

"Palit ng buhok? Payag sana ako, kung hindi lang nagmumukhang pang-bruha yang buhok mo! Ang dami mong alam na hairstyles at kung kani-kanino mo ginagawa pero sarili mo 'di mo maayusan."

"Sorry naman! Alam mo namang wala akong hilig dyan eh. Hehehe~" Wala daw, pero kung makapagstyle sa buhok ng iba, daig pa ang mga baklang nasa parlor.

"Utot mo Kit! Kahit pagsuklay ba ng buhok, 'di mo kayang gawin?" Kit or Kikit for Crystine. Tamad din pala ako. Hehehe ^_^v sa kanya ko nakuha yung HEHEHE na yan -_-

"Kaya ko naman eh. Tinatamad lang ako. Hehehe~" Ayan nanaman yang HEHEHE na yan. Sa kanya ko talaga 'yan namana eh! As in yung literal na HEHEHE ang sinasabi. Parang ewan! Napa-tss nalang ako sa kanya. Kaya kami magkasundo nito eh. Tamad kaming pareho. Tamad kaming mag-aral. Tamad makinig sa guro. Tamad pumasok ng klase at marami pang iba. Haha!

"Oh ano? 'Di ka man lang ba nagugutom? 'Di ka kakain?" Paring baliw eh. Nakatitig lang sa akin.

"Ay. Sabi ko nga. Tara na!" Tapos hinila nya ako.

My Best Friend [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon