CHAPTER 1
This is my first day here in AUTUM UNIVERSITY as junior high school.. Eto na ata ang pinakamaganda at malaking school na napasukan ko
Hinatid ako ng principal sa right side ng school at may building dun na nakalagay na "GIRLS DORMITORY" sa left siguro yung sa boys.. Dirediretso lang kaming pumasok sa building hanggang makapunta kami sa ikatlong palapag ng building na ito. Lumiko kami sa left at huminto sa unang pinto. Kumatok ang principal at may nagbukas na babae na masasabi kong maganda
"This is Ainsley your new roommate" sabi ng principal
"Hi i'm Kendra!" masayang sabi ng nagbukas ng pinto
"And I'm Ciena!" singit bigla ng isa pa na masasabi ko naman na nerd dahil sa makakapal niyang salamin at hawak na libro.
Pumasok kami sa kwarto at nakita kong malaki ang loob, may tatlong kama at may tv din. Para siyang isang apartment. After sabihin sakin ng principal ang mga rules dito ay umalis na din siya at nagsimula naman na ako mag-ayos ng mga gamit ko
"kailangan mo ng tulong?" tanong ni kendra
"Hindi" tipid kong sabi... i'm not really friendly
"mabuti naman at itong Autum University ang napili mong pasukan" nakangiting sabi ni Ciena pero hindi nakatingin sakin kundi sa libro padin niyang binabasa..
"Wala akong choice at hindi ako ang pumili nito" these girl's seem nice... And i don't like it.
Hihiga sana ako para magpahinga saglit ng hilahin nilang dalawa ang kamay ko..
"WHAT THE HELL?!" sigaw ko sakanila
"Kain muna tayong lunch bago ka magpahinga ^_^ " sabi ni kendra at nakangiti silang dalawa sakin.
Oo nga nakalimutan ko pala na hindi pa ako kumakain -____-
inirapan ko lang silang dalawa at sumama sakanila sa canteen..
Maganda rin ang canteen nila parang resto na pangmayaman. Umorder na kami ang inorder ko lang ay Chicken Fillet at syempre hindi mawawala ang favorite kong lasagna. Dun sana ako sa may bandang gitna pupwesto ng hilahin nanaman nila ako papunta sa gilid at dun naupo..