A/N: thank you sa gumawa ng cover ng story na to (http://wattpad.com/DeaTapia) Hideaki-chan thanks ulit :)
-- --- -- -- --- --- ---
CHAPTER 4
Eto ang pinaka ayokong araw dahil maglilinis ako at hindi ko matanggap yun -___-
"Kuya boy at ate neddy magpahinga po kayo ngayong araw ha! May maglilinis na po para sainyo. ^_^ " Mala-anghel na ngumiti si Lean sa janitor at janitress namin dito :/
Pag alis nung dalawa biglang naging demonyo na ang mukha at ngiti niya..
"Simulan mo na ngayon. Wala kang karapatan magpahinga tandaan mo kelangan maging malinis yan after ng lunch dapat malinis na ha!" pag kasabi niya nyan, paalis na sana siya
"Sasabihin ko mga pinaggagawa mo dito kay kuya Liam" -ako
"Sabihin mo sa palagay mo ba maniniwala yun sayo? tss sigena mag-umpisa ka na"
Kelan nga ba may naniwala sakin?
Kelan nga ba may nakinig sakin?
Tsss kung ano ano nanaman pumapasok sa isip ko. Tapusin ko na nga to baka mapakain ko pa yung map kay Lean :/
Nang nasa engineering building na ako puro lalaki nakikita ko -__- tch! wala nga palang babae na nag eengineering dito sa school na to ang weird.
Sinimulan ko na muna maglinis sa hallway.... ng biglang dumaan sila jake at dinumihan lalo yung nalinis ko na -___- nakalimutan ko pala sabihin sainyo na tiles ang hallway dito ang yaman diba.
"Oww sorry" Ainsley please wag mo papatulan wag mong ilalabas yan.
Hindi ko nalang sila pinansin pinagpatuloy ko ang paglilinis... ng may lumapit sakin
"Tulungan na kita?" napatingin ako sa kumausap sakin si henry :/
"Wag na"
"sino nag-utos sayo na maglinis at dito pa sa building na to"
"Lean" ewan ko ba bakit ang daldal nitong lalaking to nakakairita..
"Yung babae na yon talaga! Samahan lang kita ha"
"Wag na"