Chapter 1- The meeting

15 2 0
                                    

PECKY

"Pecky! Pecky! Buksan mo 'tong pinto! Pecky!"

"Aish. Nakakainis naman si manang Ester eh." Napakamot ko ng ulo habang papalapit sa pinto.

Teka, baka kalbuhin ako nito. Hala, lagot na.

"Pecky!"

"Eto na po, eto na." Sabi ko bago tanggalin ang lock ng pinto ko.

"Kailan ka ba mag-babayad ha?! Nung isang linggo ko pa hinihintay yang bayad mo ah! Alam mo bang--" Pinagsaraduhan ko nalang siya ng pinto. Paniguradong iku-kwento nanaman niya sa akin kung paano niya natapos ang college-life niya kung saan buwan buwan siyang nakakabayad sa apartment na tinitirahan niya at di tulad ko na dalawang buwan nang di nagbabayad sa kanya. Magbabayad naman ako eh, hindi nga lang ngayon lol.

"Hoy! Bastos kang bata ka wala kang galang! Hay! Bahala ka diyan bwisit ka!"

"Sorry na manang, have a good life."

*kring*kring*

Napatingin ako sa phone ko. Sino na naman to?

"Unsaved number?" napatanong ko sa sarili ko nang makita ang tumatawag sa akin. Baka kaklase ko lang.

"Hello?" Tanong ko habang naghihintay ng sagot nung tumawag.

"Hello? Hello??" Tanong ko pa ulit pero walang sumasagot. "Hmm.. Baka scum nanaman."

Papatayin ko na sana kaso biglang may nagsalita.

"Tinatawagan mo nanaman yang anak mong may sira sa ulo! Sabi ko sayo kalimutan mo na yang batang yan!" Sabi ng isang boses ng lalaki na nasundan ng isang tunog na tila may nabasag. Maya-maya nakarinig naman ako ng boses ng babae.

"Pecky, anak, I'm sorry...I'm sorry-- ackk--AHHH!" Napatayo ako ng marinig yung boses na yun.

"Mama.."

****

ADRON


"Bro, sabi ko naman sayo, masaya magkaroon ng girlfriend. Try mo rin minsan, 'no. Ang boring ng buhay mo eh. " Ayan nanaman siya.

"Mananahimik ka o isusumbong ko kay Mom na mas inuuna mo yang girlfriend mo kesa sa pag-aaral ha?" Pagbabanta ko sa kanya na nag patahimik sa kanya.

"Joke lang naman 'di ka mabiro." Ewan ko sa'yo bahala ka diyan. "Pero seryoso kailan ka magkakaroon ng girlfriend? Malapit ka na mag-16 tapos NGSB ka parin. Tsk tsk."

"Umalis ka nga dito siraulo ka." Sabi ko sa kanya at binato siya ng unan. Pumunta siya sa kanyang kwarto na tatawa-tawa. Wala pa nga sa isip ko ngayon ang pagkakaroon ng girlfriend. Masyadong excited ang kapatid ko hays.

Ang importante maipasa ko ang entrance exams ko para sa ilang prestigious college schools dito sa Pilipinas. Kung hindi ako makakapasa, paniguradong sa ibang bansa ako magkokolehiyo. Wala namang masama doon actually, I just don't want to leave...for some reason. Alam ko na Grade 10 palang ako sa pasukan pero, wala namang masama sa paghahanda, hindi ba?

"Adron." Napatingin ako sa likod ko ng marinig yung tinig na iyon.

"Oh, Lolo, kamusta po. Napadalaw kayo?" Bati ko sa kanya habang nagba-bow.

"Gusto ko lang kamustahin na ang pag-aaral niyo ni Anrick. Mataas naman ba ang mga marka ninyo?" Tanong ng lolo ko sa side ni Mommy.

Ang pamilya nina mommy, ang mga Sarpiento, ay kilala sa pagiging wais. Kaya naman mahigpit ang parents ko lalo na ang grandparents ko sa aming dalawa ni Rick dahil, isa lang naman sa'min ang magmamana ng kumpanya ng pamilya namin at ayaw nila na maglaho ang pinaghirapan nila ng dahil lang sa aming dalawa. Pero mukhang ang kapatid ko, walang pakialam dito.

A Surreptitious WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon