Chapter 4 - Quotes

3 1 0
                                    

PECKY

Sinong cute? Ako? Eh hindi naman ako aso.

"Alam mo, sobrang tagal na natin dito sa mundong to. Siguro magtataka yung mga tao dun dahil sa itsura natin. For sure mukha tayong tanga." Pag-iiba ko ng usapan. Mula kanina hanggang ngayon, nakatayo lang kami sa ulap na 'to grabe.

"Wag ka mag-alala. Iba yung oras dito at sa totoong mundo. Yung pags-stay natin dito, wala pang limang segundo yun sa totoong mundo." Sabi niya at nag-umpisa nang maglakad.

Wait? Seryoso yun? Ang galing naman!

"Pero paano — AHHHHHHH!!!" Nagulat ko nung bigla nalang tumalon si Adron mula sa ulap. Tapos bigla kong naramdaman ang sobrang lakas na hangin kaya bigla ako napakapit sa ulap. Pero nagulat nalang ako nung unti unting tumigas yon hanggang sa naging parang bato. Maya maya, ang alam ko nalang ay nahuhulog nanaman ako.

BAKIT BA KASI LAGI AKONG NAHUHULOG KAHIT WALA NAMANG SASALO?!

"Adron Hoy!! Tulungan mo ko nahuhulog ako —Ahhhhh!!" Unti unting nagkakaroon ng crack yung gilid nung bato kaya mas lalo akong kinabahan.

Teka.. Kaba? Tama!

Kailangan kong kumalma para kumalma rin yung paligid ko. Bakit kasi dito kami pumasok eh!

Nung napakalma ko na ang sarili ko, biglang tumigil yung bato. Nagmukha tuloy itong lumulutang.

Teka! Lumulutang pala yung bato?! Sinilip ko ang ilalim nito at wala akong nakita kundi kulay bughaw na ilaw.

"Hey! Tumalon ka!" Rinig kong sigaw niya mula sa baba. Medyo malapit na pala ako sa lupa. But that doesn't mean na tatalon talaga ako! Tanaw ko na ang lupa pero mataas parin 'to para sa akin. Ni hindi nga ko makatagal ng tingin sa baba e. Fear of heights, remember?

"Ayokong tumalon masyadong mataas!" Sigaw ko sa kanya nang hindi man lang tumitingin sa baba.

"Bahala ka diyan aalis na ako." Pagkasabi niya no'n, nagkaroon ng konting katahimikan. Teka! Don't tell me umalis na nga siya?!

Napasilip nalang ulit ako sa baba at gusto ko nalang bigla mapamura dahil wala na nga siya doon.

F you, Adron.

"Tandaan mo, Pecky. Wala kang alam sa mundong 'to kaya kailangan mong hanapin ang lalaking 'yon." Halos wala sa sarili kong sabi sa sarili.

Muli akong sumilip sa baba at nakaramdam ako ng takot. Nanginginig ang tuhod ko pero tumayo parin ako. Nagkaroon nanaman ng kaunting crack yung gilid ng bato at maya maya lang ay mahuhulog lang din ako kaya siguro mas mabuti nga kung tatalon nalang ako.

1..

2...

3...

"AHHHHHH!!!" Napapikit nalang ako sa takot. Maya maya, naramdaman ko na naman ang napakalakas na hangin.

Damn this hamlet!

Sa sobrang lakas ng hangin, naramdaman ko na parang napapapunta ako sa gaeing kaliwa. Pagkamulat ko ay nagulat nalang ko nang makitang tubig na ang babagsakan ko. HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!

"Adron! Help... me.." Hindi ko alam kung bakit nasambit ko ang mga katagang iyon. Ang alam ko lang ay ligtas na ako kapag kasama si Adron. And I have no idea kung nasaan man siya ngayon!

Pumikit nalang ako at nag-inhale ng hangin nang makitang malapit na ako sa tubig.

"Hey, I'm back." Pagkarinig ko no'n ay bigla akong napamulat at nagulat nang nakita kong may kulay bughaw na ilaw na lumabas sa kamay niya...at tila nakapulupot sa'kin ang ilaw na 'yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Surreptitious WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon