6. Red's New World

281 20 0
                                    


"Damn,. Hindi ko hiniling na maging parte ng mundo niyo at ng great war." Inis na sambit ni Red nang matapos nang e explain nina alexis at alexan ang lahat sa kanya.

"Pero Red-" Sambit ni Alexan pero tinaas lang ni Red ang kanyang kamay para patigilin si alexan sa kung ano mang kanyang sasabihin.

"Ang gusto ko lang ay ang makauwi ako sa kapatid ko." Mahinang bulong ni Red at napayoko nalang sina Alexis at Alexan sa sinabi neto.

"Sorry Red.." bulong ng dalawa at naglakad na sila palayo kay Red na nakatingin lang sa malayo.

----------------------------

"Alpha!"

"What is it?" asik na tanong ng isang lalaking nakatayo sa harap ng kanyang bintana sa office.

"Vampire rogues sa border." Biglang naging itim ang buong mata ng lalaking tinatawag nilang alpha at napaatras ng ilang hakbang ang beta nito sa aurang nilalabas ng alpha nila.

"Damn those suckers. Patayin lahat ng mga bampirang iyon kapag pumasok sa teritoryo natin!" galit na sambit neto at napatango ang kanyang beta at dali- daling minind link ang lahat ng mga werewolves warriors nila.

------------------------------

"Okay Red, kung yan ang gusto mo. Hahaya-an ka na namin ni Alexis." Malungkot na sambit ni Alexan kay Red.

"Tandaan mo, nandito lang kami sa bundok na ito kung kailangan mo kami." Malungkot din na sambit ni Alexis at laglag balikat silang naglakad palayo sa nakatayong Red.

Napahinga naman ng malalim si Red, at nagsimula na ding malakad pababa sa bundok.

Ang sabi sa kanya ng kambal kapag bumaba siya sa bundok na ito at may makitang kalsadang parang inabandona sundin niya lang yun at makakalabas na siya sa lugar na ito.

Kahit parang nagi guilty siyang iwan ang dalawa ay wala siyang maisip na rason para makisali sa laban nila. Hindi niya naman na hiniling na maging ganito siya. Ang gusto niya lang talaga ay ang makauwi na at makasama at makita ang kanyang kapatid.

Napahinto si Red sa paglalakad ng makasalubong niya ang tatlong lobong tila wala sa sarili.

According sa memories na nakuha niya ay rogues ang tawag sa mga lobong ito. Kakaibang amoy ang lumalabas sa tatlong lobo at mga naglalaway.

Biglang naging golden ang mga mata ni Red nang makita niyang tila kinokorner siya ng tatlong lobo.

Pinaikot- ikutan siya neto habang siya ay nakikiramdam kung sino ang unang susugod.

Biglang inatake siya ng isang lobong mula sa kanyang kaliwa, napatwist naman ng katawan si Red at sinipa ang lobo na siyang tumalsik sa puno. Di naman nag aksaya ng panahon ang dalawang lobong natira at tinalunan siya ng sabay pero mataas na tumalon si Red kaya hindi siya nasunggaban ng dalawang lobo.

Mabilis na kumilos si Red at hinawakan sa leeg ang isang lobong pabangon palang at binali ito. Rinig na rinig niya ang pagkabali ng boto sa leeg ng lobo. Napasigaw sa sakit si Red ng makagat siya sa braso ng isang lobong sinipa niya kanina.

Binitawan na niya ang patay na lobo at nanlalaki ang kanyang mata ng makitang susunggaban siya sa leeg ng isa. Mabilis niyang sinuntok sa mukha ang lobo kaya nabitawan neto ang braso niya.

Nang malapit na sa kanya ang isang lobo ay pinahaba neto ang kanyang mga kuko at mabilis na nagtwist at pinasok ang kamay sa katawan ng lobo. Doon malakas na binunot niya ang kanyang kamay na hawak ang puso ng isang lobo. Natumba nalang ang lobo sa paanan niya habang hawak niya pa ang tumitibok na puso neto.

Biglang lumabas din ang kanyang pangil, napalingon siya sa isang lobong natira na tila takot nang umatake sa kanya.

Tinapon ni Red ang puso at mabilis na tumakbo papunta sa lobong tila nabahag ang buntot. Akmang tatakbo pa ang lobo ng mabilis na dinamba ito ni red at hinead lock. Napaungol nman ang lobo dahil sa sakit at tila musika ito sa pandinig ni Red.

At dahil sa gutom pasi Red ay sinunggaban neto ang lobo at sinipsip ang dugo neto. Napaungol sasakit ang lobo at tila gustong kumawala sa kanya pero hinawakan lang siya ngmahigpit ni Red hanggang sa magbagong anyo ang lobo at bumalik sa taong katawanneto hanggang sa malagutan na ito ng hininga. Sinimot talaga ni Red ang dugo sakatawan ng lobo, ng matapos na si Red ay binitawan niya lang ito at nagpatuloyna sa paglalakad.



----------------------------------------------------------------------------------------------------------

2 chaps,. update',. hehehehehe..


Rouge(HiATUS)Where stories live. Discover now