5. New Red

264 19 0
                                    


Hindi parin makapaniwala si Red sa mga naganap sa kanyang buhay. Parang ayaw niyang maniwala na hindi na siya karaniwang nilalang.

Nakailang hiwa na din siya sa kanyang braso at sa tuwing hinihiwa niya iyon ay pinagmamasdan niya lang ang paghilom ng sugat at pagkawala ng marka neto. Dugo lang ang natitira sa braso niya at nawawala na ang sugat doon.

Mabilis na napatingin si Red sa harap niya ng may maramdaman siya at maamoy na kakaiba. Biglang naging gold ang kanyang mga mata at naipalabas niya ang kanyang mga pangil.

Gggrrr..

Hinintay lang ni Red na lumabas sa mga hilira ng puno ang mga nilalang na naamoy niya at nararamdaman.

Mabilis siyang napatakbo sa pwesto ng isang nilalang at sinunggaban ito sa katawan. Nagpagulong- gulong sila sa lupa hanggang sa siya na ang nasa ibabaw neto. Bigla namang lumukso sa itaas niya ang isa at akmang susungaban siya sa ulo ng mabilis na nahawakan ni Red ang leeg ng lobo.

"Snow, frost.." pigil na galit na sambit ni Red sa dalawang lobong sinunggaban niya.

Parang mga asong pinalo ang dalawang lobo na napa igik sa sakit nang pagakakahawak sa kanila ni Red.

"Ahh, Hindi pala Snow at Frost pangalan niyo." Sambit pa ni Red at hinigpitan pa ang pagkakahawak ni Red sa leeg ng isang lobong nasa lupa at inuupuan niya at sa lobong hawak- hawak pa din niya sa leeg din at kasalukuyang nakaangat sa lupa.

Tinapon ni Red sa isang puno ang hawak niyang lobong nakaangat sa lupa. Habang tumayo naman siya at tinapon din ang lobong inuupuan niya.

"Magpalit na kayo ng anyo." Malamig na utos niya sa dalawang lobong patayo palang at tila nanghihina pa.

Gamit ang vampire speed niya ay mabilis na pumunta si Red sa isang puno at kinuha doon ang isang bag at mabilis ding bumalik sa pwesto ng dalawang lobo.

Hinagis ni Red ang bag sa dalawa at sinalo naman ito ng isang lobo. Dahil sa mga memories na nakuha ni Red sa bampirang gumawa sa kanya ay alam na ni Red kung saan makikita ang ilang mga gamit na nakatago sa loob ng gubat.

Ilang Segundo siyang naghintay sa dalawa hanggang sa makapag palit anyo ang mga ito at makapagbihis.

"Red." Sabay na sambit ng dalawa sa kanya. Napa angat naman ng tingin si Red sa kanila at bigla na namang naging golden ang mga mata ni Red.

"Alexis, Alexan." Sambit ni Red sa dalawa, naging alerto naman ang dalawa dahil mukhang mapapalaban na naman sila. Alam naman nila kasing hindi pa kontrolado ni Red ang kakaibang emosyong dumadaloy sa kanya dagdagan pa na alam nilang nagugutom na ito.

"Red, breathe." Malambing na sabi ni Alexis. Napapikit naman ng mga mata si red at napahinga ng malalim.

Nang magmulat na ng mga mata si Red ay bumalik na sa dating mga itim ang kanyang mga mata.

"okay, I'm fine now. Pweding pa explain ng lahat. As in lahat- lahat." Seryosong sambit ni Red sa dalawa kaya napahinga ng malalim ang dalawa, nagkatinginan at tumango kay Red.

"Good." Sambit nalang ni Red.

Rouge(HiATUS)Where stories live. Discover now