7. Somewhere Down, Red

273 16 0
                                    


Hindi alam ni Red kung matutuwa ba siya o hindi dahil ilang oras na siyang naglalakad. At tila naiinis na siya dahil mukhang nasa kalagitnaan pa din siya ng bundok. Naisip niya tuloy kung talaga bang tama ang sinabi ng kambal sa kanya o nilagaw lang siya ng mga ito at ayaw pauwiin.

Pero naisip niya din na walang dahilan ang kambal para magsinungaling sa kanya.

"Oh Great! A town!" bulalas ni Red ng makita niya ang isang town ilang kilometro pa ang layo.

Nabuhayan siya ng loob dahil doon, naisip niya kasing pwedi siyang maghanap ng telepono para makatawag sa kapatid niya. At higit sa lahat para na din makapag pahinga siya sa ilang oras niyang paglalakad at syempre makakain na din.

Sa sobrang pagmamadali ni Red at kasiyahan di niya alintanang na gamit niya ang kanyang vampire speed.

"Woahh.." sambit niya ng tila nag slow motion ang lahat sa kanyang paningin. Bigla din siyang napatigil ng maalala niyang hindi siya pweding makitang ganun kabilis kasi magtataka ang mga tao sa kanya.

Kaya nang medyo malapit na siya sa bayan, naglakad nalang siyang parang normal na tao.

Napakunot ang noo niya ng makita niyang tila huminto ang ilang tao at tumingin sa kanya. Pa simple niya namang tiningnan ang kanyang sarili kung may mali ba o wala sa kanya.

Isang faded jeans naman ang suot niya, gray longsleeve shirt at sneakers na hiniram niya sa isang kambal. Sigurado din naman siyang walang dugo sa kanyang mukha at damit dahil nakapag hilamos siya kanina sa isang ilog na nadaanan niya.

Napahinga ng malalim si Red at doon, doon niya naamoy ang ilang kakaibang amoy sa paligid niya. Mga lobo, pero hindi sila katulad ng nakaaway niyang lobo. Itong mga lobo na ito ay sakop ng isang pack.

Bigla siyang napapikit ng maramdaman niyang tila nagbabago ang kulay ng kanyang mata sa gold. Ngayon niya lang din nagbigyan ng pansin ang sinasabi ng instinct niya.

Sa sobrang kasiyahan niya kanina kasi di niya napansin na iba na ang pakiramdam niya at ibang mga amoy na pala ang nalalanghap niya at pinagsawalang bahala niya ito dahil sa kagustuhan niyang mkatawag sa kapatid niya at makahanap ng lugar na pweding pahingahan.

Kinalma ni Red ang kanyang sarili at naramdaman niyang tila bumabalik na ang kulay ng kanyang mga mata. Pero naka alert na siya ngayon, at nagpatuloy na sa paglalakad.

Habang naglalakad siya ay ramdam niya pa din ang ilang mga matang nakasunod sa kanya. Hindi naman kasi lahat ng mga tao sa bayan ay lobo ang iba mga simpleng tao. Kaya siguro wala ding ginagawang kahit anong hakbang ang mga lobo para atakehin siya.

Tsaka, natatanda-an niya yung sinabi ng kambal na yung dugong dumadaloy sa katawan niya ay hindi pangkaraniwang dugo ng mga bampira. Isang rare type vampire ang gumawa sa kanya kaya yung amoy niya ay kakaiba.

Napabuga siya ng hangin ng makakita siya ng munting inn sa gitna ng bayan. Binuksan ni Red ang pintu-an at napahinga ulit siya ng malalim ng makita niyang isang simpleng tao ang nasa front desk.

"Good afternoon miss, meron po ba kayong available na room for just one night?" tanong ni Red sa babae, napangiti naman ang babae sa kanya at bumati din.

Ilang minuto lang at binigay na kay Red ang susi ng silid niya. Umakyat na si Red sa hagdan para makapunta na sa silid niya.

Isang simpleng silid lang naman ang nabungaran niya. May single bed at isang maliit na side table at isang cr. Binuksan ni Red ang bintana sa silid at inihip ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Napatingin siya sa mga taong naglalakad sa bayan, tinitingnan niya kung meron bang kakaiba.

Nang makita niyang wala namang kakaiba ay lumapit na siya sa higaan at pabagsak na nahiga doon. Hanggang sa mapapikit na ang kanyang mga mata.

--------------------

Naalimpungatan si Red ng maramdaman niyang nagugutom na siya. Napatingin siya sa paligid niya at nakitang gabi na pala, nagpapasalamat lang siya na nakakakita siya sa dilim dahil sa bampira na siya ngayon.

Lumabas na siya sa kanyang silid at bumaba, gusto niyang maghanap ng makakain.

"Goodevening miss, dinner po ba?" napahinto si Red ng nakangiting tinanong siya ng babae kanina. Napatango naman siya ng ulo niya at masayang inassist siya ng babae sa isang table para makaupo.

Tahimik lamang na pinanood ni Red ang ilang taong nakaupo at kumakain sa iilang table habang kinuha ng babae ang kanyang pagkain.

Nang mailapag na at umalis ang babae doon na sinunggaban ni Red ang pagkain niya. Tuloy- tuloy niyang sinubo ang pagkain at nilunok.

Napahinto sa pagsubo si Red nang maubo siya. Parang ayaw tanggapin ng katawan niya ang pagkaing kinakain niya. Napahawak siya sa kanyang lalamunan at napaubo ng tuloy- tuloy.

Halos napatingin na sa kanya ang lahat ng tao sa loob kaya dali- dali siyang lumabas ng inn, di na din niya napapansin ang babaeng tutulong sana sa kanya.

Patuloy siya sa pagubo at paglakad ng mabilis hanggang sa makasandal siya sa isang alleyway at doon umubo ng umubo. Sinusuka niya lahat ng mga kinain niya.

"What the hell?" tanong ni Red sa sarili niya ng mailuwa niya lahat ng mga kinain niya.

"wow pre, chicks oh!" mabilis na napatingin si Red sa nagsalita na nasa bandang harapan na niya.

"Hey, girlie.. gusto mo-" hindi na natapos ng isang lalaki ang sasabihin niya ng mabilis na sinunggaban ni red ang lalaki at kinagat. Natumba naman sa gulat at takot ang naunang lalaking nagsalita kanina.

"A- anong.. b-bampira!!!" malakas na sambit ng lalaki sa galit na tinig, napaatras pa siya ng konti ng makitang nagsha shine na gold yung mga mata ni Red at tumutulo ang dugo sa baba nito. Binitawan ni Red ang lalaking wala nang buhay at humarap ng tuluyan sa lalaking natumba.

Bigla namang tumayo ang lalaki at umiba ang mga mata neto. Pinahaba ni Red ang kanyang mga kuko at biglang nagbagong anyo ang lalaki sa isang lobo. Hinintay lang ni Red ang lalaki at sinunggaban niya ito sa leeg at mabilis na binali.

Narinig na naman niya ang tunog ng butong nabali at napangiti siya. At dahil sa frustrations ni Red ay hindi niya lang binali ang leeg ng lobo kundi dinukot niya ng mabilis ang puso neto at piniga para mawasak.

Binitawan lang ni Red ang lobo at naglakad na palayo sa lugar habang nag go- gold pa din ang kanyang mga mata.

Rouge(HiATUS)Where stories live. Discover now