Chapter One.

368 1 1
                                    

Grabe! Siksikan sa jeep.

First day na first day sobrang haggard?

Asar!

First day ko pala ngayon sa pagiging college. Goodluck naman sa mga magiging prof ko. Hihi.

Pagpasok ko ng room, ayun. New faces. Malamang!

Dito na lang ako sa harap umupo.

Advice lang sa akin nung ate ko. Hihi.

"Hi. anong pangalan mo?" tanong ko dun sa katabi kong babae.

Haler, mapapanis laway ko pag hindi ako nakipagdaldalan kahit saglit. Hahaha.

"Ah. Aila, ikaw?" nukks. Hinhin.

"Kim nga pala! Nice to meet you."

Dinaldal ko pa siya ng dinaldal hanggang sa lumabas na rin ang other side niya. Wahaha. Mahinhin ba eka? Binabawi ko na. Haha. Peace.

Pero natigilan kami nung may pumasok, gaahhd! Classmate ko ba 'to?!

Ang gwapooooo!

Pero sa teachers desk siya dumiretso. . .

Huh????!!!

"Goodmorning class, I'm Dan Victorino, your math professor."

Seriously? Prank niya ba 'to?!

Estudyante na nangloloko? Weh.

Lahat nakatingin lang sa kanya na para bang naghihintay lang na sabihin niya na joke lang yun. Pero hindi.

"Class?" sabi ni Dan. Este Sir Dan.

Sir? Huhuhu.

"Nagtataka man kayo kung bakit parang ang bata ko pa, pero fresh graduate lang kasi ako. Dito din sa school na 'to."

Napa "Ahhhh" lang ang lahat.

Medyo speechless?

"Kindly distribute this." sabay abot niya sa akin ng syllabus paper.

Medyo nagulat pa ko. Ihhhh. Kilig! Hahaha. E ano kung prof ko siya? Masama ba?  Wag nga kayo! Hahaha.

Pinamigay ko na yung papel. Yun daw ang mga pag aaralan namin sa buong sem.

At kahit college na, uso pa rin ang introduce yourself. At sa kasamaang palad, ako yung una.

Medyo may advantage at disadvantage pala ang pagkakaupo ko dito ha.

Tumayo na ko at nagpakilala.

"I'm Kimberly Fajardo. Call me kim. Nice to meet you all."

then I smiled.

Uupo na sana ako ng magtanong si Sir Dan.

"Age?"

"17?"

"Status?"

"Relationship Status?"

Tumango lang siya.

"Uhm. Single?"

Huh?

"Okay. Next!"

Si Aila na yung next. Iba naman yung tanong niya. Pero bakit sa akin lang ata yung tanong na may relationship status?

Ngeee.

Natapos na ang 2hours namin sa kanya.

Vacant pa.

Sa vacant na yun. Madami na din kaming naging close. Ang saya! Sila Jaz, Joy, Athan, Xy, Heidi, pati sila Gio, at si Kyle na inaasar nila sa akin.

Sabay sabay kami naglunch sa canteen. At kapag sinuswerte ka nga naman, nandoon din si Sir Dan. Mag isang kumakain.

Saluhan ko kaya? Joke. Nakakahiya.

Pero halata na andaming nakatingin sa kanya. Akala siguro nila estudyante lang yan. Nako! Sir kasi.

Habang kumakain, napagusapan si Sir.

"ang gwapo ni Sir Dan." sabi ni Xy

"Oo nga eh." sabay sabay naming pag agree.

"Nako, mas gwapo pa kami dun e. Diba kyle?" sabi ni Gio sabay akbay kay Kyle.

Di naman umimik si Kyle.

"Bakit parang ang tahimik ni Kyle?"

Lahat tuloy sila nagtinginan kay Kyle na katabi ko.

"Na star struck lang yan." sabi ni Gio sabay tawa nila.

"Na star struck? Kanino?"

Wala namang artista ah.

"Uhm. Excuse me, CR lang ako." sabay tayo ni Kyle at hila kay Gio.

"Anyare dun?" tanong ko sa kanila.

Nagkibit balikat lang sila.

Pagkauwi ko.

Nag search agad ako dun sa syllabus namin sa math. Mahina kasi ako dun. -_-

Yung tipong kaya nga ako nag masscom para walang math eh. Tapos meron pala?!

Buti na lang si Sir Dan ang prof. Speaking of him, nag search ako sa fb at pooof! I saw his fb.

Nag iisip ako kung ia-add ko. Kaso nung nakita ko sa friends niya na friend niya na sila Aila, aba. Ang bibilis talaga ng mga yun!

Inadd ko na din. Wala pang 10mins. na accept na agad. Aba online si Sir. Hahaha!

Gusto ko sana ichat kaso nakakahiya at baka busy. Next time na lang siguro. Focus muna ko dito.

to be continued . . .

Student-Teacher RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon