Chapter Six

161 0 0
                                    

After ng exams.

Sabi ko sa barkada, magsosolo muna kami ni Kyle. Alam naman nila na oaramg awkward na.

Sa canteen lang kami kumain. Tahimik lang.

"Uhm. Sorry ah." sabi ni Kyle

"Sorry? Para saan?"

"Parang ang awkward na tuloy sa barkada."

"Ah. Nako, kaya nga tayo nandito e. Para ayusin yun. Gusto ko mawala na yung awkwardness."

"Pasensya na ha. Hayaan mo, ibabaling ko na lang sa iba yung pagtingin ko."

"Sorry din. Hayaan mo, irereto kita sa pinsan ko! Hihi."

"Ay hahaha."

Sa wakas, nawala din yung pagka awkward namin sa isa't isa. 2hours pa vacant namin kaya nandito pa kami sa canteen nagkkwentuhan.

May narinig ako nagbubulungan.

"uy. Si Sir Dan yun di ba. Girlfriend niya ba yun? Bagong teacher din yun diba?"

Nilingon ko yung nagsabi nun. At tinignan ko kung saan sila nakatingin.

Tama. Si Dan nga. Kasama yung bagong prof. Baka nag lunch lang. Nagtatawanan pa sila. -_-

"Okay ka lang? Gusto mo punta na tayo kila Aila?" sabi ni Kyle.

"Ha? Osige." kaso pagtayo ko nahulog yung tinidor na ginamit ko. Nagtinginan tuloy sa amin. Napatingin din si Dan.

Hinatak ko na lang si Kyle sa labas.

Mukhang nag iba timpla ko. Bumalik na kami sa room.

Okay na ang barkada. Kinuwento din ni Kyle sa kanila yung nangyari. Naka palumbaba lang ako sa desk.

"Kim. Tawag ka daw sa Math Faculty." sabi nung president namin.

Tumingin lang sila Aila sa akin. Pumunta na rin ako. Pagpasok ko, shet ang lamig. Ang daya lang. Sobrang lamig sa faculty, sa room namin e halos uugod ugod na yung mga aircon.

Nakita ko na yung desk ni Sir Dan. Nandoon siya nakaupo. Lumapit ako.

"Bakit po Sir?"

Hindi siya nagsalita. Nagtext bigla si Aila, may meeting daw yung Cssp department kaya wala kaming next subject. Haay. Uwian na pala. Sabi ko mauna na sila.

Nang makaalis na yung isang prof, nagsalita na rin siya. Kami na lang kasi yung naiwan dun sa faculty.

"Yung kanina, pinasamahan lang sa akin yung bagong teacher." Aba. Guilty pre.

"Bakit po Sir? Wala naman po akong sinasabi ah."

"Inuunahan ko lang yung chismis. E si kyle yung kasama mo kanina diba."

"Opo Sir. Bakit."

"Bakit kayo lang dalawa? Tsaka tigilan mo muna nga yang kaka Sir mo sa akin."

"E ba't naiinis ka? Wala yun. May pinag usapan lang kami. Uuwi na ko."

"Haaay. Kim . ."

Tumingin lang ako sa kanya.

"I love you."

Sabi niya. Ngumiti lang ako.

Sakto may dumating na prof.

"Sige po Sir."

Lumabas na ko. Umuwi na rin.

Pagdating ko sa bahay, walang tao. Haaay.

Dumiretso na lang ako sa kwarto.

At natulog agad.

Student-Teacher RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon