Chapter Two

258 0 1
                                    

"Gising na." sabay hila ng kumot ko.

"Kuya naman e. Mamaya pang 2pm pasok ko. E 8am pa lang?" sabi ko sabay taklob ulit ng kumot.

"May tutor class ka kasi ngayon. Nandyan na nga sa ibaba yung tutor mo. Nakita kasi nila mama na nagkaroon ka ng math subject. E alam naman nating lahat na mahina ka dun."

Napatayo ako bigla.

"Grabe ha! Makapagdiin na mahina ako ah! Wag mo ipagmalaki na engineering student ka!" sabay bato ko sa kanya ng unan.

Nagsasalamin kasi ang loko.

"Dalian mo na. Nakakahiya dun sa prof. Aalis na ko. Umalis na din sila Mama, may mga pagkain na dyan. sige." sabay sarado niya ng pinto.

Ugh. -_- Bakit ba kasi ang hina ko sa math? Yan tuloy kailangan ko pa ng tutor.

Naghilamos na ko taps toothbrush.

Sabay punta na rin sa kusina.

Makapag tinapay na nga lang! Tapos gatas. Dala ko yung isang balot ng tasty at isang tasa ng gatas. Aalukin ko na lang 'tong prof. Baka sakaling malibang. Hahaha.

Nasa sala siya. Nakaupo, nanonood ng tv. Baliw talaga ni Kuya. Iniwan ako e lalaki pala tong tutor ko. Mamaya rapist pala to e.

"Hi po!" I greeted him. At paglingon niya.

OHMAYGAAAHD.

Tama lang pala na iniwan ako ni Kuya. Wahahaha!

"Oh." halata din na gulat siya.

Nakakahiya. Naka pang hello kitty na pantulog pa ko. -_-

"Goodmorning Kim. ^_^"

Waaa! Can I die? Luhhh. OA.

"Kayo po tutor ko?!"

"Well, oo. :)"

Nako naman Sir. Wag ka naman ngiti ng ngiti. Baka ikaw rapin ko diyan e. Joke! Wahahaha.

"Ahhhh.  . wala po kayong klase?"

"Wala e. Mamayang 2pm pa din. At sa klase niyo din ako. Nice house ha."

"Ah si papa po nag design niya. Architect po."

"Oh. I see. Start na tayo?"

"Osige po."

Sa syllabus niya din kami nag focus. Mukhang may advantage ako sa mga classmates ko ah. Hahaha!

Habang may hinahanap siya sa mga gamit niya, napaisip ako.

"Ilang taon na po kayo? Diba fresh grad kayo?"

"Uh. Oo, I.T course ko. 21 na ko. Naimbitahan lang ako maging prof. Diko pa alam kung permanent na to. Tapos etong tutor, side line ko lang. Ah, eto na yung hinahanap ko." sabay abot niya sa akin nung papel. At ngiti.

Shet lang. Pwede bang mag absent na lang kami pareho? Mamamatay na ata ako dito sa kilig e.

Imbis na nagmumukmok ako ngayon na math ang pinag aaralan ako. Eto ako, kinikilig sa math. Hahaha.

12nn na.

Kumain na kami ng lunch. Pagdaan namin sa kusina, may natanaw akong red car sa labas.

"Sir, sa inyo yun?" sabat turo ko sa labas.

"Ah oo. Hinuhulugan ko pa yun."

"Naks. Haha. Lakas maka pogi."

Natauhan ako doon sa sinabi ko kaya bumalik na lang ako sa pagkain. Huhuhu. Kahiya.

"Nga pala, pag tutor mo ko. Dan na lang ang itawag mo. :)"

"Osge, Dan? Haha."

Natawa kami. Parang ang weird kasi. Hihi. Pero kilig to the bones. Wihihi.

As usual, sinabay na ko ni Sir Dan papasok ng school. Doon lang siya nag park sa malapit sa gym.

"Mauna ka na. Dadaan pa ko sa faculty. sige ingat."

"Sige, Dan. Este Sir Dan."

Tumawa lang siya ng mahina.

Mamaya pa. Habang papunta ko ng room. Nakita ko si Kyle.

"Huy! Kyle!" tumakbo na ko papalapit sa kanya.

"Oh. Hi. :)"

"Himala! Gwapo mo pag nakangiti. Hihi."

Oooops. Wrong move. Awkward. Hahaha.

Pagdating namin sa room.

Na issue tuloy kami lalo. Maya maya, pumasok na sa room yung classmate naming bakla.

"Guys! Omg! May balita ako! May kasaby daw na pumasok na girl si Sir Dan!"

Nagchismisan na sila, pero wala silang clue kung sino. Ako ba yun?

"Grabe Kim. Sino kaya yun? Naunahan na tayo kay Sir Dan." sabi nila Aila.

"Ah hehe."

Yan na lang ang nasabi ko. By the way nasa medyo nasa likod na ako nakaupo. Sila ba naman nag unahan pumasok para lang malapit kay Dan e.

Nag check ng attendance si Sir.

Nung ako na . .

"Kim Fajardo."

sabay tingin sa akin sabay ngiti.

Pucha naman oh.

"present." sabay mahinang tawa ko.

Natawa din konti si Sir.

May ilang tumingin sa akin. Yung mga nakapansin ng kakaiba. Kasama na dun sila Aila.

Kaya nung uwian, nag wave lang sa akin si Sir. Mamaya ma issue pa pero .  .

Habang nasa Kfc kami.

Yung grupo ulit namin kahapon.

"Ikaw ha. Anong meron sa inyo ni Sir?"

"Oo nga. Napansin niyo ba yun?"

tanong nila.

"Alin naman?" patay malisya ko kunwari.

"Yung halos whole the time sayo lang nakatingin si Sir tapos pag nagkatingin kayo tatawa kayo ng mahina."

"Oo nga!"

"Pansin ko din."

"Ako din."

Isa isa nilang sabi. Geez.

"Wala yun. Haha. Nakakatawa naman talaga kasi si Dan." sabay inom ko ng coke.

"Dan?!!" sabay sabay nilang sabi na halos pasigaw na. Kaya nagtinginan lahat sa amin.

"Ha? Sabi ko Sir Dan."

Sheetsyu.

"Huuu. E nakita din kita e. Bumaba ka sa kotse niya kanina. Diko lang sinabi kila bakla kanina at baka awayin ka." sabi ni Gio.

Gulat silang nakatingin sa akin. Naghihintay ng sasabihin ko.

"Masama ba sumabay? Wala yun." sabi ko.

"Ikaw ha. Baka may sinusuko kana dyan para lang pumasa sa math."

"Grabe ha!"

"Joke lang. Pero seryoso. Ano yun?"

Nag kwento na ko sa kanila na tutor ko si Sir at galing siya sa amin. Nanahimik na sila.

Parang ang laki na agad ng issue sa ganoon lang. Paano pa pag iba na? -_-

to be continued .  .  .

Student-Teacher RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon