My Seaweed Prince I

144K 1.1K 117
                                    

My Seaweed Prince I

-Lara-

                “Nasaan na naman ang ungas na si Chancellor Ortega The Third!.” Inis na sabi ko habang may hawak na walis tambo.

                Nagkibit balikat lang si Shirley na kasalukuyang nag-momop ng sahig. “May bago ba doon. Lagi namang M.I.A yun…”

                “O, kaya naman nakatambay sa ilalim ng hagdan para manilip ng mga babaeng bumababa doon.” Nag apir ang kambal na si Tristan at Kristoff habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

                Palibhasa gawain nila kaya alam na alam!.

                Kinagat ko ang pang ibabang labi sa sobrang inis. Kung pwede lang talagang sumigaw ngayon kanina ko pa ginawa. Si Chance kasi lagi na lang tumatakas kapag araw ng Miyerkules dahil alam ng gago na nakatoka syang maglinis.

                Sinabi ko na rin kay Sir Patrick ang tungkol sa bagay na iyon pero wala naman syang ginagawa para kastiguhin si Chance. He said na ilista na lang daw yung mga araw na tumatakas si Chance then sisingilin na lang ng penalty.

                Juice ko! hindi naman mauubusan ng pera yung hinayupak na iyon eh. In the first place lolo lang naman nya ang Mayor sa Bulacan. At isa pa alam nyo ba kung magkano lang ang sinisingil sa kanya?. P.I.S.O!!!..

Kung alam ko lang na pwede pala yun eh di sana tumakas na lang din ako sa paglilinis. Eh di sana nasa bahay na ako ngayon at prenteng nagbabasa ng books ni Rick Riodan at tinatapos ang Percy Jackson series!. Ampf!

Yun nga lang dahil ako ang Group Leader sa Wednesday hindi ako pwedeng mag skip dahil ako ang tiyak na mapuputukan. >__< tengene nemen!

                Siguradong malelate na naman ako sa pag uwi nito!. Gagawa pa ko ng mga assignments then wala na akong time magbasa dahil maaga akong matutulog dahil may pasok kinabukasan..

                Kasalanan itong lahat ni CHANCE!!!. See? How selfish can he be?!

                Ilang mura na ang nagamit ko sa isip ko habang nag pupunas ng mga salamin ng bintana which are not appropriate for my young age of 15. Pagbigyan nyo na ako noh! kahit sa isip ko man lang makaganti man lang ako sa lalaking iyon!.

                Habang nagpupunas  ako may napansin akong dalawang tao na nag uusap sa ibaba. Isang babae at isang lalaki. Nakatayo sila sa ilalim ng puno ng acacia. Presko doon at madalas tambayan ng mga estudyante kapag lunch break.

                Napakunot noo ako ng may makitang pamilyar na buhok na halos tumatakip na sa noo at mga mata nito. Seaweed hair!. Isa lang naman ang kilala kong may ganoong buhok dito. Sya lang din ang kaisa isang taong kilala ko na nakakalusot sa hair-style na iyon kahit harangan ng isang batalyong C.A.T officer.

E-FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon