Minsan sa ating buhay may dadating na sitwasyon na hindi natin inaasahan.
Yung may mawawala sa atin na pinaka-importanteng tao na matagal natin iniingatan
Dahil lang sa isang pagkakamali na matagal nating tinatago sa kanya.
Ay yun yung mahalin natin ang hindi dapat mahalin
dahil alam natin hanggang kaibigan lang ang pagtingin.
Pero wala eh, hindi natin kayang pigilin ang ating puso na tumibok para sa kanya.
Lihim tayong nagmamahal kahit alam natin may mahal siyang iba.
Lihim tayong nasasaktan sa tuwing nakikita siyang masaya ngunit hindi tayo ang dahilan
At lihim tayong lumilimot ang sakit at itinatak sa isip at puso na hanggang kaibigan lang.
Kaya tanggapin nalang at palayain ang sarili sa isang imahinasyon.
Na hanggang pangarap mo lang siya. Pangarap na sobrang hirap abutin
Kahit nandito lang siya sa ating tabi.

YOU ARE READING
Broken Heart Poetry
PoezjaPara sa mga taong sinaktan o na bubuhay sa isang malaking kahibangan.