Chapter 2

211 4 0
                                    


"Megan!!!"

"Ano na naman ba??"tanong ko kay Julia na kanina pa salita ng salita hindi ba niya alam na focus ako dito sa pagbabasa tsk.

"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka nakinig. Itigil mo muna nga yang pagbabasa mo at makinig ka lang sasabihin ko" kinuha naman niya agad yung libro na binasa ko.

"Tsk ano ba kasi yon?"

Siguraduhin niya lang na importante itong sabihin niya kung hindi talagang malilintikan siya sa akin.

"Bess alam mo ba na nakauwi na raw yung anak ng isang milyonaryo dito sa pilipinas"sabi niya na parang bata na sa wakas na kita na niya yung long time crush niya. At ano naman yung makukuha ko kung uuwi yan dito bakit magbibigay ba yan ng free money hindi diba.

"So?"

"Bess ang pogi niya makalaglag panty yung ka gwapohan niya" kinikilig naman siya.

"Bakit nakita muna ba sa personal?" Kung makapag salita kasi siya akala mo nakita niya na sa personal hindi naman. At sa panahon ngayon malabo ka ng makakita ng isang mayaman sa personal.

"Hindi pero nakita ko na siya sa T.V at ang sabi  bumalik na raw siya dito bess ang gwapo niya kahit sa T.V mo lang siya makita ano kaya kung sa personal na"

Hahay! ang hirap talaga kung may kaibigan kang mas maharot pa sayo. Kinuha ko na lang yung libro ko na hawak niya at nag patuloy sa pagbasa gusto ko kasing makafocus sa binasa ko na fifty shades of darker hehehe kakatapos ko lang kasi binasa ang fifty shades of grey.

Mga ilang oras napag desisyonan ko na umuwi muna baka kasi hinahanap na ako ni mama mahirap na baka sa pagkakataong eto makatikim na talaga ako ng palo galing sa kanya hehehe ang higpit kasi ni mama pag dating sa mga oras.

****

"Im home!"sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin para marinig ni mama na nakauwi na talaga ako.

"Mabuti naman at umuwi kana"sabi ni mama na may hawak na sandok. Mabuti naman at sandok hindi tsenelas hahahaha.

"Kung ano man yang iniisip mo nagkakamali ka. Hawak ko tong sandok na eto kasi tulungan mo akong magluto" sabay walk out.

Tsk si mama talaga pano si Christian grey ko nito hehehe "Megan! Halika na nga dito at tulungan mo ako"sigaw naman ni mama galing kusina.

"Oo na magbibihis lang ako!"


Enjoy reading😉😉😍
Sorry kung may mga mali akong na isulat or wrong spelling hehehe

The Wattpader GirlWhere stories live. Discover now