Hopeless heart..

73 2 2
                                    

CHAPTER ONE

“HEY Jessie baka higupin ka ng laptop mo. Kanina ka pa sa harap niyan,” wika ni Hazee kay Jess sabay upo sa bakanteng silya ng inookupa nitong mesa.

            Nginisian lang siya nito. Muli nitong ibinalik ang pansin sa pagtipa sa ever-reliable laptop nito. Abala kasi ito sa pagrereply ng mga emails nito sa facebook.

            “Pumupunta lang naman iyan dito para sumagap ng libreng wi-fi. Abusado iyan. 'Mas mahal pa ang hinaharbat niyang signal kesa sa isang tasa ng kapeng binili niya.”

            Nilingon niya si Yvv o si Vhon? Whoever! Hindi niya alam kung sino sa kambal ito. Pero 'mas malaki ang porsiyento na si Yvvon ang kasama nila. Ang kakambal kasi nitong si Lyvon ay hindi naglalagi sa bansa dahil sa dami ng commitments nito sa trabaho.

            Kasalukuyan silang nasa Riexza’s Café. Ang kaibigan niyang si Riexa ang may-ari niyon. Ang tabing stall nito ay ang Colla bookstore na pagmamay-ari naman ni Chantell. Araw ng lingo iyon, at gaya ng kanyang ritwal ay sarado ang bookstore niya. For her Sunday was made to rest. Iyon kasi ang nakasanayan niya noong nabubuhay pa ang kanyang ina.

            She lost her mother when she was twelve. Ang ama niya ay nanatili naman misteryoso para sa kanya. She was not given a chance to meet him. Ang nag-iisang kapatid nang ina niya na si Tita Agnes ang nag-alaga sa kanya.

            “Ang libre dapat abusuhin Yvv.”

            “She has a point Yvv… or  Vhon? Whoever… Pero marahil ikaw si Yvv,” naguguluhang wika niya. Sumimsim siya sa coffe jelly niya.

            Nginitian lang siya nito. Sabay na nilingon nila si Jessie nang magpakawala ito ng isang malalim na hininga. Bakas doon na may hinaharap itong suliranin. May ilang mga customer na lumingon sa kinaroroonan nila. The shop was full that time. Maging ang mga excecutive seats ay may laman.

            “'Problem?” she asked.

            Hindi ito sumagot. Isinara nito ang laptop at malungkot na tumunghay sa glasswall.

            “She was having a writer’s block,” si Yvon na ang sumagot sa kanyang katanungan. “Kailangan pa naman niya ng pera ngayon.”

            Isang sikat na romance writer si Jessie. At halos sa mga libro nito ay mayroon sa stall ni Chant.

            “Mayaman na iyang si Jessie. Hindi naman iyan nagkukulang sa pera.”

            “I’m not rich Hazee. Kokonti lang ang kinikita ko sa pagsusulat,” tutol nito sa kanya. “Those bucks you’re all referring at, belongs to my brother Casmhere.”

            Sumang-ayon na lang siya sa sinabi nito. Alam niyang dependent si Jessie sa bagay na iyon lalo na pagdating sa pera. May alitan kasi ito at ng kapatid. At hindi na siya dapat makialam pa doon.

            Napangiwi siya ng bigla na lang sabunutan nito ang sarili. Tahimik na nilugmok nito ang sarili sa mesa. Nagkibit balikat lang si Yvon. Ipinagpatuloy nito ang pagkain ng strawberry cake. Alam niyang wala 'ding magagawa si Yvv sa bagay na iyon. Kahit naman na magboluntaryo silang pautangin si Jessie ay tatangi lang ito. Such a stubborn woman. Nangangailangan na ito subalit mas mahalaga pa dito ang pride na hindi niya alam kung para saan.

            “Hindi kaya kailangan mo lang ng inspiration para makasulat ka?” si Yvv iyon.

            Umalis iyo mula sa pagkakalugmok sa mesa at binigyan si Yvon ng matalim na tingin. “I don’t need one,” mariing wika nito.

HEARTS vs CLOVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon