Forgotten Feelings...

39 0 0
                                    

ANG MALAKAS na ingay mula sa nabasag na tasa ang nagpabalik sa katinuan ni Hazee. Halos lahat ng tao roon ay lumingon sa kanya. Hindi niya sinasadyang nabitiwan ang tray ng makita ang kakaibang eksenang natunghayan ng kanyang dalawang mata.

            Ngumiti nga si Fudge ngunit iyon ay hindi para sa kanya. Nilagpasan lang siya nito ng tingin. Base sa naging kilos nito ay hindi na siya nito naaalala pa. Lalong nangitngit ang kalooban niya ng lumapit dito ang isang magandang babae at humalik sa pisngi nito.

            Sabay na lumingon ang mga ito kasama na ang isa pang tsinitong lalaking nakaupo sa seat number eighteen ng mabitiwan niya ang tray at mabasag ang mga tasa. Bakas sa mukha ng dalaga ang iritasyon lalo na dahil sa kumalat na kape sa sahig.

            “Pesensiya na po. Papalitan ko na lang po ang ini-order ninyo.” Matapos niyang humingi ng tawad ay yumuko na siya upang ipunin ang mga piraso ng bubog na kumalat doon. Napangiwi siya ng maramdaman ang init mula sa tasa ng kape na bahagyang tumilapon sa kanya. May bahagyang sakit siyang naramdaman ng oras na iyon. Subalit higit na masakit ang nadarama niya dahil sa paglimot sa kanya ng isang taong ilang taon niyang inalagaan sa kanyang puso. Pinatigas niya ang kanyang mukha at pilit na binura sa isip na bahagi pa ito ng kanyang buhay. She acts like she never knew the man standing beside her.

 Ipinagpapasalamat na lang niya na hindi siya napuruhan. Kung hindi ay siguradong masisira ang makinis niyang kutis. Baka lalo pang masira ang mood niya.

            Narinig niya ang mahinang mura ng babae. Hindi ito magkandaugaga sa pagpupunas ng damit nito na hindi naman narumihan. Kahit hindi niya lingunin ito ay alam niyang masama ang tinging ipinupukol nito sa kanya ng oras na iyon.

            “Bakana!” The woman said in grimaced.

            “Jubun Tash,” mabilis na sansala ni Fudge.

            She gave them an apologetic face though her heart wants to give them an evil look. Ibinalik niya ang atensiyon sa pagpulot ng mga bubog. She was afraid to meet those chinky eyes that belong to that man. Lalo siyang nakadama ng pagkaasiwa ng umupo ito sa tabi niya at tumulong sa pagkuha ng mga nabasag na piraso ng tasa.

            “Let me help you,” nakangiting wika nito sa kanya.

            She heard the woman named Tash gasped. Ang isa pang kasama ng mga ito ay tumayo na 'din upang tumulong sa kanya.

            “'Wag na po Sir,” mabilis na pagpigil niya sa pagtulong ng mga ito. It was her fault. Her presence suddenly out-of-order after seeing Fuji.  Pigil ang hininga niya habang pasimpli niyang nililingon si Fuji. Dahil doon ay aksidenteng dumausdos ang kamay niya sa isang matulis na piraso ng bubog habang kinakausap ang mga ito. She saw some blood on her palm.

            Nabigla siya ng bigla na lang kunin ni Fudge ang kamay niya. “Hayaan mo na kaming gawin ito. You’re just going to ruin your beautiful hands.”

            Hangang ngayon pala ay babaero ka pa! Nais niyang isantitig iyo ngunit pinili niyang manahimik at magkunwaring hindi kakilala ito.

Tumayo ito at may kinuha mula sa bulsa ng pantalon. “Take this,” Iniabot nito ang isang asul na panyo sa kanya. Nang hindi siya natinag ay itinali nito iyon sa nasugatang kamay.

            Bahagyang napalitan ng matipid na ngiti ang labi niya, subalit mabilis na nagbago iyon ng pormal ng muli niyang makita ang tsinitong mata ni Fuji. Mula sa pares ng mga mata nito ay nakikita niyang pilit siya nitong inaalala. Binawi na niya ang kamay mula dito at kaagad niyang iniiwas ang tingin dito.

HEARTS vs CLOVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon