“ARE you okayHazee?”
Nginitian ni Haze si Gian na noo’y naka-upo sa kanyang tabi. Kakatapos lang nitong linisin ang kanyang nasugatang kamay. Matapos nitong malagyan iyon ng paunang lunas ay muli nitong ibinalot iyon sa panyong iniabot sa kanya ni Hazee kanina.
“Pumunta na lang kaya tayo sa clinic ni Doc. Garland?” Rekomenda ni Gian sa kanya. Muli nitong sinipat ang kanyang kamay kung may ibang pinasala pa doon.
“Maliit na sugat lang naman ito Rhenz,” tangi niya. Binawi na niya ang kamay mula dito at nilingon sina Riex na naka relax na lang sa counter ng oras na iyon. “Salamat nga pala sa pag-aasikaso mo. Pero hindi muna kailangang bulabugin pa si Garry para lang dito.” Ang Village Doctor nila sa flower village ang tinutukoy niya. Siguradong abala lang iyon sa dami ng mga pasyente nito.
Nakita niya ang pagbuntong hininga ni Rhenz. Isa si Rhenz sa mga unang nakilala niya sa Flower Village tatlong taon na ang nakakaraan. Madami 'din ang tumatawag ditong Gian dahil Rhenz Gian ang totoong pangalan nito. He gave him a priveledge to call him in his first name since they were close friends.
“But Hazee…”
She raised her right injured hands to shut any comments. “I’m fine,” she assured him.
“Sorry talaga Hazee,” hinging paumanhin sa kanya ni Riex. Hindi na mabilang ang paghingi nito ng paumanhin sa kanya. Kahit pa sinabi na niyang ayos lang siya ay hindi parin ito magkandaugaga sa paghinging ng paumanhin sa kanya.
“Okay lang ako. Accident happens all the time.”
“Ex mo ba iyon?” Tinatamad na tanong ni Jessie. Kakabalik lang nito sa counter mula sa pagbibigay ng ilang orders. Minsan pa nitong nilingon ang kinaroroonan ni Fudge bago ito umupo sa kanyang tabi.
Mabilis na iling ang ginawa niya. Kusang gumalaw ang katawan niya at lumingon sa kinaroroonan ninaFuji. Awtomatikong namula ang pisngi niya ng mahuli siya nitong nakatingin sa kanya. Kaagad na iniwas niya ang tingin at ibinalik sa abalang si Riex.
Gosh! Bakit ba nahuli niya akong nakatingin? Teka? Paano niya ako mahuhuling nakatingin kung hindi rin ito nakatingin sa akin?
Muli sana niyang susulyapan si Fudge kung hindi lang naiinip na unulit ni Jess ang katanungan sa kanya.
“He’s not. He’s just a friend of mine,” she lied. Alam naman nagkaroon sila ng mutual understanding ni Fuji. Nakalulungkot lang isipin na isang araw lang ang itinagal ng I love you ni Fudge sa kanya.
“Friend?” Pag-uulit ni Jess. May kakaibang dating ang tinig nito. “Sa tagal nating magkasama ngayon ko lang siya nakita.”
Napunta ang atensiyon nina Gian at Riex sa sinabing iyon ni Jessie. It was obvious that Jess can smell someting between her and Fudge. Kung sabagay, isa itong sikat na romance writer. Maaring nararanasan ng mga heroine nito ang nangyayari sa kanya.
“I mean lost friend,” nautal pa siya sa pagsasabi niyon. Ni halos hindi iyon lumabas sa kanyang labi.
Kumunot ang noo nito. Gaya ni Jess ay bumakas sa mukha nina Riex at Gian na hindi ito naniniwala sa kanya.
“Are you sure?” Si Riex iyon.
“Of course,” siguradong sagot niya na pilit itinatago ang kabang nadarama.
Tumango tango ang mga ito. Inakala niyang mananahimik na lang ang mga ito. Inabutan sila ni Riex ng malamig na iced tea saka siya nginitian. Ipinitik-pitik pa ni Jessie ang libring kamay sa ibabaw ng counter. Tahimik na sumimsim si Gian sa inumin nito. Mukhang may mabigat na suliranin 'din itong hinaharap ng oras na iyon.
Napansin niyang palipat-lipat ang tingin sa kanila ni Jess. Mula sa lugar nina Fudge patungo sa kanyang kinauupuan.
“Kung magkaibigan lang kayo nung tsinitong iyon, bakit ganoon siya kung makatingin? There was something on his eyes. It was glowing everytime he looks in this direction.”
His eyes are glowing?
Upang mapatunayan ang sinasabi ni Jess ay liningon niya si Fuji. Ganoon na lang ang pagkadismaya niya ng makitang abala si Fuji sa pakikipag-usap sa isang unipormadong lalaki. Lalo pang lumala ang pagsisintir ng kalooban niya ng sumandal sa balikat nito ang bruhang si Tash. Tila napasong ibinalik niya ang atensiyon kina Jessie. Wala paring emosyon ito.
“Your hallucinating Jess. Kung anu-ano ang nakikita mo. How can you say that Fuji was looking at me when he was busy talking on that excecutive man?” She gritted her teeth. Inabot niya ang baso ng malamig na iced tea at tinunga ang laman niyon. Doon na lang niya dadaanin ang sama ng kalooban niya.
Napangiwi si Riex sa maingay na pagbaba niya ng baso sa counter. “Hindi mo naman kami kaaway Hazee, right Gian?”
Nagkibit-balikat lang si Gian. Ilang sandali pa ay bagsak ang balikat na nagpaalam na itong umalis.
Jessie suddenly chuckled. “Love… Look what you’ve done…”
“Nasisiraan ka na Jess.”
“You know Hazee, I’m a writer, and I can easly read your facial reaction. Hind na 'din naming kailangan ng detective para ipa-explain iyang reaksiyon mo. It was obvious that there was something’s fishy between you and that guy.” Humalipkip ito.
“What do you mean Jesss,” singit ni Riex.
“Alam mo Riex kung paano ang ikinikilos at reaksiyon ni Chant ay ganoon 'din ang pinagdaraan ng mga bida ko.”
She stood up and looks at Jess with a knot on the forehead. “Ikaw na ang nagsabi Jess, those were just fiction. You can’t compare me with your heroins in your arts.” Lumunok siya at si Riex naman ang hinarap. “'Wag kang maniwala sa kanya Riex. Fuji and I are just friends… I mean… we used to be friends.”
“I guess it was an unfulfilled love then,” tatawa-tawang sagot ni Jessie. Tumayo na ito at inilabas ang notepad mula sa bulsa ng apron na suot. Mukhang kukuha na ito ng order sa mga bagong dating na customer.
“'What?!”
“'Nothing.”
“Your talking based on your experience?” maingat na tanong ni Riex dito.
Sukat sa sinabi nito ay bigla siyang natawa. Kahit papaano ay nabura ang lungkot na bumalot sa puso niya. Lalo pa siyang natawa ng suklian ni Jessie si Riex ng matalim na tingin.
“Bakit ba ako na naman ang nakita ninyo? Nasaan ba si Yvon?” Reklamo ni Jessie. Inilibot nito ang tingin at hinanap ang kaibigan nito sa paligid.
“He’s with Zack.”
“Oh no! Not again. Don’t tell me Zack mistook her as Lyvon?”
BINABASA MO ANG
HEARTS vs CLOVER?
Romance"I love you so much that I have to leave you and bear the pain of loosing you..." he walked away, momentarily closed his eyes and once again glanced at the angelic face of the woman he love in his whole life...