CHAPTER 4

29 1 1
                                    

Andito ako ngayon sa room. Kakarating ko lang buti di ako nalate. 8am yung first period namin ngayon at 10 minutes nalang mag-uumpisa na.

Nakaupo lang ako dito sa upuan ko at nakikinig ng music. Di ako nag online baka ma-adik na naman ako at baka di ako makapagfocus sa discussion. Mahirap na.

Pinigilan ko yung sarili ko na hindi mag online, kahit pa ang laman ng isip ko ay puro nasa GC.

Mamayang lunch time nalang ako mag o-online. Kahit one hour lang, ayos na yun basta makasilip lang ako sa GC at malaman ko kung ano yung pinaggagawa at pinag-uusapan nila.

Ilang minuto pay nagsipasukan na yung nga kaklase ko na nakatambay sa labas. Hudyat na iyon na parating na yung professor namin.

Sinet-up na nila yung gagamitin sa discussion, napatingin ako sa wrist watch ko, 8:30am na. 30 minutes late na si prof.

Isang oras nalang mamamalagi si prof dito, isang oras nalang magrereport yung mga naka-assign na reporters.

Nagsimula ng magreport yung unang reporter. Daldal sya ng daldal sa unahan.

At first ayos na yung classroom at mga classmates ko. Nakikinig pa sila. But after nung ikatlong reporter, nagsimula ng magkagulo sa room.

Unti-unti ng nagiging maingay, nagkakaroon na ng kanya-kanyang business, at nag-uusap usap na yung iba.

Wala pa namang paki si prof, tahimik lang sya sa isang sulok. Alam ko namang nagmamasid yan si prof eh, at sa grades yan sya bumabawi.

Kaya kahit bored na bored na ako, di parin ako nakikipag-usap sa katabi ko, hindi gumagawa ng ingay. Tanging nasa reporter lang yung atensyon ko.

Mahirap na, baka bumaba yung grades ko sa prof ko na to. Strikto pa naman to si prof.

Nagpatuloy parin yung mga reporters sa pagrereport at yung mga classmates ko sa pag-uusap usap ng kung ano-anong bagay na di naman related sa subject na ito.

Nang matapos ang mga reporter agad-agad nilang niligpit yung mga ginamit nila at nagsi-upuan na.

Tumayo naman na si prof at pumunta sa gitna. Nagulat ang lahat, well except me. Sa sinabi ni prof.

"okay class, prepare 1/4 sheet of paper. I guess you're all listening to the report. So let's have a quiz now." sabi ni prof

May magandang naidulot rin naman pala yung sapilitan kong pakikinig dun sa report. Well I guess, ako lang ata yung makakapag score ng mataas ngayon.

God bless naman dun sa mga classmates kong mas inuna pa yung nga walang kwentang bagay kesa sa makinig sa report.

Natapos yung subject na iyon sa isang quiz, sa di inaasahang quiz ni prof.

Wala ng next subject after noon, kaya naisipan namin ng kaibigan ko na pumunta ng canteen para magrecess, nakagutom kasi yung quiz. Hahahaha

Nang nasa canteen na kami, hinanap ko yung favorite kong kainin doon. Which is ang burger.

At di naman ako nabigo, nahanap ko naman sya. Andun lang pala sya sa bandang dulo ng mga nakahilerang mga pagkain.

Kumuha ako ng isang burger at isang chuckie. Dumiretso kami sa cashier para bayaran yung pagkain namin.

Naghanap muna kami ng upuan ni Hope kasi ayaw pa kasi namin bumalik sa classroom kasi sigurado kaming magulo doon.

Si Hope nga pala yung kaibigan ko, medyo close kami nyan. Sya palagi yung kasama ko sa lahat, kulitan, tawanan, galaan, tuksuhan, kabaliwan, kalungkutan, kainan at iba pa.

Everything's WrongWhere stories live. Discover now