CHAPTER 2

20 4 0
                                    

Nagising ako ng mga bandang 4pm, naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas ng kwarto ko.

Nagpatugtog ata yung magaling kong kapatid. tss. nagising tuloy ako sa pagkakatulog ko. Ansarap pa naman ng panaginip ko, andun si crush ko. kyaaaahhh!!!! hahahahaha

Tiningnan ko yung phone ko at nasa side table na sya. Nilagay ata ni mama dun kanina habang natutulog ako.

Di ko man lang namalayan na pumasok pala si mama dito. Ang hingbing naman talaga ng tulog ko.

Habang nakahiga parin ako, ini-on ko na yung data at nag open ng messenger.

As expected, sunod-sunod ulit yung dating ng mga message galing sa GC na ginawa ni faith.

It almost 4k yung message nila. Like What?! ang daldal naman ata nila! grabe naman! di ba sila nauubusan ng topic? I salute them.

Napansin ko na nilagyan na nila ng name yung GC namin "FACEBOOK BUDDIES" ayan yung naging pangalan ng GC.

Ang badoy naman! Pero no choice, di naman kasi ako yung Admin ng GC nato kaya I don't have rights to change again the name of the GC.

Kaya ayon, Go with the flow nalang akes. Seen ng seen ng seen ng seen lang ang ginawa ko.

Di naman nila ako napapansin na nagseseen kasi patuloy parin sila sa pag-uusap usap. Ngayon naman ang pinag-uusap nila ay tungkol dun sa mga nabasa nilang stories sa wattpad, favorite stories nila, at favorite author.

Halos pareho-pareho sila ng nababasa na mga stories. Kaya naman nagkakasundo silang lahat.

Daldal lang ng daldal sila, yung para bang wala ng bukas. Patuloy parin sila sa pag uusap-usap tungkol dun sa stories na nabasa nila.

Yun bang parang binabalik-balikan nila yung nangyare dun sa story na nabasa nila.

Tili ng tili pa sipa, animo'y parang sila yung bidang babae dun sa story. Yung feel na feel nila yung kilig ng bidang babae sa stories.

Haaaays.. so creepy.

I can't relate on them, di naman kasi ako mahilig magbasa sa wattpad na yan, I don't have account on that app, and most specially wala akong app na ganyan. Hahahaha

Nakikibasa lang ako sa mga pinagsasabi nila, kahit di ako makarelate madali naman akong naka-catch up sa pinag-uusapan nila.

Tinigil ko muna yung pagseseen sa GC, at nagsimula ulit mag scroll sa facebook, sometimes sa insta at twitter.

Pero mas nag eenjoy ako magscroll sa facebook, andaming pwedeng gawin eh. Minsan nagsesave ako ng mga quotes galing sa mga pages.

Minsan kinacopy paste ko yung quote at pinopost ko sa wall ko. Minsan bumibisita ako sa ibang confession pages para magbasa ng mga stories na sinisend sa kanila.

Minsan pa nga may nabasa akong story na sobrang sakit nung ending. Yun bang kapwa nila mahal yung isa't-isa pero di talaga sila hinayaan ng tadhana na makasama ang isa't-isa.

Sobrang sakit nung nababasa kong story to the point na nag uunahang lumabas yung mga luha ko sa mata ko.

Pasinghot-singhot ako ngayon kasi kakatapos ko lang basahin yung isang shared true to life story ng isang lalaki na mula bulacan. Sad to say it's an sad engding after all.

Talaga nga namang Walang Forever na nag eexist sa mundong ito. Lahat naghihiwalay. Whahahahaha

Naisipan ko ulit magseen sa GC na hanggang ngayon nag-uusap usap parin sila. Wala na atang katapusan tong pag-uusap usap nila.

It's quarter to 6pm, and out of nowhere I decided to send HI sa GC. At first walang pumansin sa chat ko. Expected ko na yun, sino ba naman ako para pansinin nila diba?

Everything's WrongWhere stories live. Discover now