CHAPTER 5

10 0 0
                                    

It's been 2 weeks since I asked kuya ayzee kung anong real name nya but he didn't asnwer me. Instead he's just send emoji's.

Kahit anong kulit ko sa kanya, wala talaga. Ayaw nya talagang sabihin sa akin. So, ayon huminto ako sa pangungulit sa kanya.

Nagpatuloy yung pagiging close namin ni kuya ayzee, palagi na syang online, nakikipag usap sa GC.

ayy wait, about nga pala sa GC, hindi na facebook buddies yung name nya. Pinalitan na nila, ginawa nilang Family GC.

Ang rason ay dahil sa amin ni kuya ayzee. We look like a couple daw kasi kaya ginanun nila ang pangalan.

Hindi ako makapagprotesta dahil mapilit sila eh. Kaya ayon pumayag narin ako, no choice narin eh. Kahit si kuya hindi nakapagprotesta.

I'm on my bed now, nakahiga. Hindi ako pumasok kasi may sakit ako, lagnat lang naman.

9am na at hindi parin ako nakakain ng almusal, wala akong gana. Kanina pa ako kinukulit ni kuya na kumain.

Yes! he knows my condition now. Sinabi ko sa kanya eh, alangan namang magsinungaling ako? Nakita nya kasi yung post ko.

Tinadtad nya ako ng chat ng loko. Sineen ko nga whahahaha. Sa totoo lang tinatamad akong kumain baka isuka ko lang eh.

Online parin hanggang ngayon si kuya, wala ba tong pasok? Baka naka online habang nagdidiscuss yung teacher nila.

Pasaway rin eh! tssk.
I chat him asking why he's still online? Kung wala ba syang pasok.

After a minute he reply "may pasok ako xhei, kumain ka na ba?"

"bat naka online ka pa?" I ask, I didn't bother to answer his question.

"to check you" he answer

To check me daw? mas nag aalala pa sya sa akin kesa sa pag-aaral nya? how sweet isn't it?

Ganyan sya sa akin, but I know he's just sweet and nice kasi we treat each other as siblings.

I'm scared. Takot ako na baka sa ginagawa nya mahulog ako. And I don't have assurance na sasaluhin nya ako. He has girlfriend and I'm just nothing but a younger sister to him.

Pinipigilan ko yung sarili ko na mainlove sa kanya. Pero I have crush on him. Maybe hanggang dyan lang.

Mabilis kaming naging close ni kuya, ewan ko rin kung bakit? Baka siguro madaldal lang ako? Magaan akong kasama? or baka naman magaan lang talaga loob namin sa isa't-isa.

But no matter what the reason, ang importante naman close na kami.

First time ko nagkaroon ng kuya, kahit pa di kami magkadugo and kuya ayzee knows that.

Mabilis lumipas yung oras. After the conversation with kuya ayzee kanina, nag offline agad sya.

Nagdesisyon na rin akong kumain kasi medyo nagugutom na ako. Pero hindi tinanggap ng tiyan kp yung pagkain.

Sinuka ko lang yung kinain ko, Lahat ng kinain ko. Nagtimpla nalang ako ng gatas at ininom iyon para naman magkalaman ang tiyan ko.

And thanks God, hindi ko sinuka. I went back to my room and start scrolling on facebook.

Like, share, comments, post, etc. I did all of that because of boredom. I'm so bored.

Wala rin akong kachat and even katext. They were all busy. Hanggang sa nawalan ako ng gana.

Naisipan kong matulog nalang para maibsan ang pagkabored ko. I put my phone on the table side.

and then I fall asleep....

2pm in the afternoon when I wake up. Nagising ako dahil sa tunog ng tiyan ko. Gutom na ako.

Tumayo ako sa kama ko at dumiretso sa kusina. Walang katao-tao sa bahay kundi ako lang. Busy silang lahat.

Binuksan ko yun ref and found something on it. It's an Ice cream😍

Something tempting me to eat it. Pero sinasabi ng utak ko na may sakit ako. MAY SAKIT AKO.

I close the ref and find something else to eat. I don't want my fever get worse by just eating something that will make it worse.

May nakita ako sa lamesa. May nakatakip doon. Binuksan ko 'yon at bumungad sa akin ang favorite food ko.

Adobo, fries and chicken. Yiieeee I love this. I said to my self.

Kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor tas nag umpisa na akong kumain. Medyo nawawala narin yung lagnat at pagkahilo ko.

after I ate those food. Nag-alala ako, baka isuka ko ulit yun. Sayang naman eh.

Naghintay ako ng mga ilang minuto, nag-aabang na baka isuka ko yun. But nothing happen.

Pumasok ako sa kwarto ko and start to find my phone. I grab it and immediately lay on my bed.

Nagfacebook agad ako. And there is it. A message from kuya.

"xhei?"
"hey"
"okay ka na?
" kumain ka na ba?"

Medyo natawa ako sa pinagsasabi ni kuya. Ganyan na ba sya ka concern? Hahaha

"ayos lang po ako kuya, okay na ako at kumain na po ako. katatapos lang" reply ko sa chat nya

Makalipas lang ang ipang minuto nag reply na sya "mabuti kung ganun xhei, wag na wag kang magpapalipas ng gutom, tas alagaan mo yung sarili mo, wala pa naman ako dyan para alagaan ka"

Nakaramdam ako ng tuwa at the same time safe and being care by someone. The last part of his message make my heart skip a beat for a while.

Hindi ko inaasahan yung sinabi nya, nakatuwa lang isipin na ganun sya ka'concern sa akin.

Walang duda, ang swerte ng girlfriend nya..

Everything's WrongWhere stories live. Discover now