CHAPTER 6

10 0 0
                                    

Nag-usap usap pa kami ni kuya after nung moment na yun. Wala na pala syang pasok kaya nakakapag online na sya.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan, about family, friends, classmates, school and etc.

Nalaman ko rin na taga Makati pala si kuya, may apat na kapatid sya at sya yung panganay. Nalaman ko rin mga hobbies nya, katulad nalang ng pagbabasa ng libro, paglalaro ng online games, pagluluto, at iba pa.

Nagshare din ako sa kanya ng mga hobbies ko, like reading books, playing basketball, watching k-drama and anime, drawing and also painting.

Kinukulit nya pa ako na ipakita ko daw sa kanya yung mga drawings and paintings ko. Pero haleeeeer?!!! Nakakahiya kaya! Hahahaha

Todo palusot ako sa kanya para lang hindi ko maipakita. Todo push naman sya na ipakita ko daw. Ang hirap makalusot sa kanya. Ginawa ko talaga ang lahat, and Thanks God! Hindi narin nya ako pinilit.

*evil smile* whahahaha

Marami pa kaming pinag-usapang dalawa. Tinatanong nya ako kung anong grade/year ko na daw sinagot ko naman ng "2nd year college na po kuya"

1 year lang yung gap namin ni kuya pero hindi kami same ng year level. Mas nauna ako sa kanya kasi sabi nya nahinto sya noong elementary kasi lumipat daw silang bahay.

Naabutan sya ng K-12 curriculum kaya ayon tiis-tiis daw muna sya. Buti pa nga daw ako nasa college na eh.

Sa gitna ng pag-uusap namin, tinanong nya ako "xhei mahirap ba sa college?"

"medyo po kuya, kasi sa akin nahihirapan ako eh. Pero siguro depende yun sa course na kukunin mo po" sagot ko sa kanya

"anong course mo xhei?" tanong ulit ni kuya

"Bachelor of Secondary Education-Mathematics major po kuya"

"hala! ang galing math major ka. Paturo ako minsan xhei ah? hahaha" sabi ni kuya. Medyo natawa ako sa sinabi nya, di naman kasi ako magaling sa math eh kaya nga nag-aaral ako.

Nagpatuloy yung ganung topic namin ni kuya, andami nyang tanong about college yung iba di ko masagot kasi di ko alam paano sagutin.

Curious na curious sya sa college. Junior High palang si kuya at 1 year nalang magc-college na sya.

Nasa kalagitnaan ulit kami ng pag-uusap pero iba na yung topic. Naisipan kong magpaalam muna kay kuya kasi nagugutom na ako at nahihilo.

Di ko sinabi kay kuya na nahihilo ako, kasi magaalboroto na naman yun. Sermon na naman yung aabutin ko.

Palowbat narin yung cellphone ko kaya nagcharge nalang ako.

Bumaba ako sa kusina para manghalungkat ng makakain. Ganun pala pag nilalagnat, oras-oras kumakain at nagugutom.

Everything's WrongWhere stories live. Discover now