The Unforeseen future by Joyjoytheprincess

133 33 28
                                    

The world is full of critiques and telescope eyes are seizing your moves and can hear even your single soliloquy. Environment seems against to you, everything doesn't mind the ignition of your emotions and virtual feelings that cannot be traced by anyone else. But... a pure single heart can feel the instinct of what he/she really feel towards certain person's heart. A heart's emotion is a physical change; it alters your brilliant eyes.

I'm Mincy Ella dela Questa. I'm 18 years old at kalilipat lang namin ng bahay sa isang probinsya dahil ibinigay na ni Lola at Lolo ang mana ni papa which is itong lupa at lumang bahay. Luma man siya ngunit matibay parin ito at puno ng alaala sa nakaraan na dinala hanggang sa kasalukuyan. At dahil lumipat kami ng tirahan ay lilipat na din ako ng paaralan. Ang sakit isipin na iiwan ko ang aking nakagisnang buhay at nakagisnang mga kaibigan. Pero ito ang totoong buhay, ang masaktan ka.

Dapit hapon na at ako'y kasalukuyang naglalakad papunta sa isang tindahan para bumili ng ulam na siyang inutos ni Inay. Hindi pa man ako nakakalapit sa tindahan ay natatanaw ko ang lalaki na umiinom ng alak sa harapan ng tindahang aking pupuntahan. Tumuloy parin ako sa paglalakad hanggang sa mapatapat ako sa tindahan.

"Tao po." Tawag ko sa tindera. Naghintay ako ng ilang segundo para hintayin ang tindera na lumabas.

"Walang kwentang buhay!!!" Napatalon ako sa gulat nang sumigaw ang lasing sa aking likuran at nakita ko nalang na nagsitalsikan ang mga bubog sa aking paa. Hindi man ako nasugatan ngunit ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan dahil sa sandaling pangyayaring iyon.

"Bakit ganito ang buhay... *hik* ginawa ko naman ang lahat ah! *hik* Pero bakit ganito?!" Napatakip na lang ako sa aking tainga dahil sa sigaw niya.

"Hoy! Ikaw! Ba't ka nakikinig! *hik*" Tinuro niya ako kaya nag-init ang aking buong mukha. Domoble ang aking nararamdamang kaba dahil sa ginawa niya. Ano ba to?

"Anong sayo Ineng?" Napa-sign of the cross na lang ako sa aking kaluluwa nang marinig ko ang boses ng tindera.

"Hoy! Tinatanong kita diba?!" Lalo pa akong nanginig sa sigaw ng lasing.

"A-ali... p-pabili po n-ng s-sardinas." Nauutal kong wika dahil sa kaba.

"Ilang sardinas?" Tanong ng tindera.

"I-isa po." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinanap ng Ali ang sardinas. Yumuko ako para tingnan ang aking mga paa na lumalagkit. Natapunan pala ito ng alak.

"O heto na ang sardinas." Bigla akong napaatras nang biglang magsalita si Ali. Kinakabahan na talaga ako ng todo. Pagkabigay niya sa sardinas ay inabutan ko siya ng isang daang piso.

"Sandali lang, kukuha muna ako ng sukli." Tiningnan ko ang tindera sa loob habang tumungo siya sa mesa para masigurado ko kung ilang minuto ang itatagal ko dito sa aking kinatatayuan.

"Hoy!" Napatalon ako sa gulat nang sumigaw ang lalaki sa aking likuran at inihampas niya sa dingding ang isang bote ng alak. Tumalsik sa aking damit ang laman nito. Dahil sa sobrang kaba ay tumulo ang aking mga luha na parang ilog at dinaig ko pa ang kabayo nang nagsimula akong tumakbo.

Humihikbi ako habang tumatakbo. Nang makarating ako sa bahay ay agad kong niyakap si mama at doon humagulgol ng tuluyan. Ikinuwento ko kay mama ang lahat ng nangyari. Sinabihan niya ako na hayaan ko lang raw iyon sapagkat ang lalaking iyon ay lasing at hindi niya alam ang kanyang mga ginagawa. Ganun paman ay pinatahan ako ni mama.

Papunta na ako sa aking bagong paaralan. Mga isang daang metro lang ang layo nito mula sa aming bahay. Iniwasan ko ang tindahan na aking binilhan kahapon sa takot na makita ang lasing doon.

Ipinakilala ko ang aking sarili sa harapan ng aking mga bagong kaklase. Nasa ikalabin dalawang baitang na ako under STEM.

"Magandang umaga po sa inyong lahat! Ako po si Mincy Ella dela Questa,18 years old from Patulangan University. Nagtransfer ako dito dahil lumipat kami dito ng tirahan. Yun lamang po." Pakilala ko sa harapan nila.

One-Shot Writing Contest 2018 CompilationWhere stories live. Discover now