12:00 A.M.It was midnight, when I found someone who I can call as a friend.
---
"Hoy, anong ginagawa mo diyan sa labas?" tanong ko sa isang batang babae na nakadungaw sa bintana ko.
Hindi ko alam ang rason kung paano siya nakapasok pero, sigurado ako na hindi siya isang normal na tao. I mean..to clear what I just thought, hindi siya taga rito sa amin.
She's a stranger, indeed.
"May gusto akong sabihin sayo." seryoso niyang sabi. Walang bakas na pagkasaya sa mukha niya.
Kilala ko ba siya?
"Ano 'yun?" tanong ko.
"Uhm.." she trailed off, which made me confused. Para siyang isang multo na naghihintay sa labas ng bintana ko but, I'm not scared at all.
Kamukha niya rin kasi ang babaeng nakikita ko sa mga panaginip ko. Isang babaeng makikipagkaibigan sakin.
"Can we be friends?" she uttered. A genuine smile was flashed on her face.
I, as well, plastered a smile on mine. Nakakagaan ang ngiti niya sa pakiramdam ko. Parang ayoko na tuloy matulog. Well, wala rin naman sa plano ko ang matulog ngayon.
Gusto kong magdamagang hindi nakapikit at nag-iisip lamang, habang nakatanaw sa bituin sa labas ng aking bintana.
Anyway, natupad na ang aking panaginip. Siguro naman, there will be no reason for not sleeping anymore.
Dagdag eyebags rin kasi.
"Yes." masaya kong sagot sa batang babae na kasing-edad ko lang rin naman.
She smiled, once again.
Then, all of a sudden, I doze off to sleep, without even saying goodbye to my friend.
But fortunately, I knew her name.
It was Rhea..
..just like the name that appeared in my wonderful dream.
..And this was like a dream came true.
---
Umaga na. Hindi ko maisip kung bakit bigla na lamang akong nakatulog kagabi, pagkatapos niyang ipakilala ang kaniyang sarili.
"My name is Rhea. A friend from..."
Iyon lamang ang aking narinig dahil nga sa para akong nawalan ng malay sapagkat hindi ko malaman ang dahilan ng pagkatulog ko ng wala sa plano. Tss.
"Anak, 7 A.M na, male-late ka na!" sabi ng mommy ko. "Hinanda na ni yaya ang mga gamit ko. Sige, aalis na ako, baby. Be good."
Then, she kissed me on my forehead.
"I love you, mommy." I uttered, which she never heard dahil nagmamadali na siya sa pag-alis.
I wish I was just never her daughter.
Hindi naman sa hindi ko gusto ang kabuhayan ko but, I just hate it every time mapapaisip ako na wala akong daddy, friends and a mom who's always there to be with me in my situation.
Nakakalungkot? Sobra.
I'm just 8 years old when my mom started a business and since then, naging busy na siya.
Now that I'm 10 years old, ganun pa rin. Walang pinagbago sa nakasanayan kong nanay na palaging nagiging rason ng aking kalumbayan.
I glanced at my window dito sa room ko. Hindi located ang room ko sa second floor ng bahay kasi, ayaw ni mommy kaya, nandito ako sa ibaba. Matatanaw rito ang hardin sa aming lugar. Sobrang puno ito ng mga magagandang bulaklak na nasisilawan ng buwan tuwing gabi.
YOU ARE READING
One-Shot Writing Contest 2018 Compilation
NouvellesCongratulations to all the top 4 Winners !