Three weeks.
Tatlong matataas na linggo na ang nakakaraan pero hindi parin ako nito nilulubayan. It's been haunting me for three long weeks.The exact same dream. Exact same stranger. Exact same place. Exact same time. Exact same words.
"Four. Help."
Natauhan nalang ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Pinulot ko ito at tiningnan ang caller ID.
Mabilis ko iyong sinagot nang nabasa ko ang pangalan ng aking kaibigan. Ang kaisa-isang tao na maaaring makakatulong sa sitwasyon ko ngayon.
[Hello Prim?]
[I think I found the answer.] agad kong pinatay ang tawag at pinaharurot ang sasakyan patungo sa apartment niya.
"May nahanap ka na ba?"bungad ko kaagad nang binuksan na niya ang pintuan sa ika-apat na katok.
"Wala pa. Pero sa tingin ko ay alam ko na ang ibig sabihin ng 'four' na sinasabi niya."pinapasok na niya ako at dumiretso kami sa mesa kung saan nakabukas ang kaniyang laptop at may nakalabas na isang article.
"Four:Death's Number?"kunot-noong basa ko sa title nito.
Umupo siya sa isa sa mga upuan at pinakita sakin ang buong laman ng essay.
"Koreans, Chinese and Japanese citizens believe that number four is an unlucky number kasi ang Chinese word ng 'four' at ng 'death' ay magkatunog lang. Kaya hindi nila ito ginagamit sa kahit saan at isa na roon ay sa mga hospital. Pero may isang hospital sa Korea na gumagamit nito kahit na bawal. 'The Fourth' is its name."mas lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya."Anong nga ba talaga ang gusto mong iparating sakin ngayon? Naguguluhan na ako.""May kilala ka bang tao na namatay na pero maymga bagay pa na hindi nagawa? O may kilala ka bang nag-aagaw buhay na ngayon at may gustong gawin bago tuluyan nang matigok?"napaisip ako.
Ulila na ako at wala akong kahit na anong koneksyon sa mga natitirang kamag-anak ko.Ni-hindi ko nga alam kung may natitira pa ba akong pamilya. The only family I have left is Prim then God took the rest.
Tumingin ako muli sa kaniya at simpleng pag-iling lamang ang nasagot ko.
"Okay then. I think the only choice you have is to look for that person."wika niya.
"Sa laki ng buong Korea? At saan naman ako maghahanap?"tanong ko pabalik.
"Sa The Fourth. Wala namang ibang lugar na konektado sa 'four' na sinasabi ng taong nasa panaginip mo diba?"
"Okay. Pupunta ako doon. Thank you for everything, Prim."ngumiti siya at yinakap ako.
"I'll just call you when I find anything else."
Tumango ako at lumabas na sa kaniyang apartment. Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan kaya madali akong nakarating doon.
YOU ARE READING
One-Shot Writing Contest 2018 Compilation
ContoCongratulations to all the top 4 Winners !