Chapter 2: How she work it.

19 0 0
                                    

Tinignan ko ng mabuti ang katawan ng biktima. Imposibleng namatay sya sa pagkaubos ng dugo pero kaunting dugo lang ang nakakalat sa sahig ng cr. Hindi kaya konektado ito sa sindikatong hinahunting ko? I look at the table and surprisingly, I saw a pizza box unopened. Bakit mag oorder ng pizza ang biktima kung magpapakamatay naman sya? I think there's a false part here.

I roamed at the victims room. I look at the bed for noticing something.

"The sindicate huh?" A grin plastered on my face as I saw something.

"Officer? Alam kong alam nyo na hindi ito suicide. May suspect na po ba kayo?" Nilapitan ko si Officer Ramos.

"Meron na Detective.Gusto mo ba silang makausap?" Tumango ako at sumunod kay Officer.

"SPO1 Vergel. Asan ang mga suspek?" Tumingin ako sa isang matipunong lalaki na may balbas at bigote. SPO1 Vergel.

"Ahh Officer, nasa loob ng room 102. Napakiusapan ko ang Landlady na kung pwede doon muna silang mga suspek hanggat hindi pa sila nakukuhanan ng statement." Pumasok kami sa loob ng room 102 at nakita ang tatlong suspek.

1st suspect:Marinel Joson- Ex ng biktima.Iniwan sya ng biktima dahil sa third party.

2nd suspect:Pizza delivery- tinawagan ng biktima para magpadeliver.

3rd suspect:Landlady- may ari ng apartment.

"Sila ang tatlong huling pumasok sa room ng biktima bago ito matagpuan." Napatingin ako kay SPO1.

"Marinel, ikaw ang ex ng biktima, ano ang ginawa mo sa apartment ng biktima bago sya namatay?" I asked the ex of the victim.

"Pinuntahan ko sya para magmakaawa na balikan ako. Wala na akong pakialam kung may third party basta mahal ko sya. Ayos pa sya ng puntahan ko. Hindi nya ko pinagbuksan ng pinto pero sinabihan nya kong umalis na. Kaya umalis na ko." Maiiyak na tugon ng ex ng biktima.

"Ikaw delivery boy?" Tinignan ko naman ang pangalawang suspect.

"Tinawagan nya ako para umorder ng pizza. Nang makarating ako sa tapat ng apartment nya, kinatok ko sya at sabi nya bukas daw ang pinto kaya pumasok na ako sa loob. Inabot nya sakin ang bayad at pagkatapos non umalis na ko." Napatango ako sa sinabi ng delivery boy

"Pwede ko rin po bang malaman kung ano ang ginawa nyo sa apartment ng
biktima?" Tanong ko sa landlady

"Kinatok ko siya dahil dadalhan ko sya ng ulam. Nakasanayan ko na kasing dalhan si Gerald ng ulam tuwing magluluto ako dahil malapit saakin ang batang iyan. Bukas naman ang pinto kaya pumasok na ako. Hindi ko akalaing maaabutan ko syang wala nang malay sa loob ng cr. Napakabait na bata niyan at nakakalungkot na ganyan ang sinapit nya. Wala naman syang problema dahil magkekwento naman yan saakin kung meron man" She looked teary eyed.

Iniwan muna namin ang mga suspek para tignan kung nacheck na ang cctv na ang entrance lang ng gate ang nahahagip.

"Officer? Ano pong oras natagpuan ang katawan ng biktima? " baling ko sa aking katabi."10:16am" sagot sa akin ni Officer.

"Detective nacheck na namin ang cctv. Kung gusto mo icheck mo din baka makatulong sa coclusion mo." Sinalubong kami ng isang matangkad na police.

"Sige SPO3" binigay sakin ni SPO3 ang laptop na hawak nya at sinimulang iplay ang footage.

Unang makikita ang gate na kulay green hanggang sa may tumigil na motor sa tapat nito at pumasok ang isang pizza delivery boy.

"9:31 pumasok sa gate ang delivery boy" I said. Mayamaya pumasok ang isang babae. Si Marinel.

"So hindi pa lumalabas ang pizza delivery. I wonder if nagkita sila ni Marinel pero hindi daw sya pinagbuksan ng biktima. 9:36 pumasok si Marinel sa gate at lumabas din ng 9:47. Lumabas din ng gate ang delivery boy ng 10:05" nagstop na ang video pero nagtataka ako kung pano nangyari yon. Pinuntahan ulit namin ang mga suspect. While on our way, pieces of this case turned clearly on my mind.

Five W's and one HWhere stories live. Discover now