Nakauwi na kami ni Sid from his Mom's party and kasalukuyang nakahilata na sa sobrang pagod. Bigla kong naalala si Brent. Kamusta na kaya ang lalaking yon? He is my Bestfriend bago ko pa makilala ang asawa ko kaya namiss ko talaga sya. I wonder if may asawa na din sya? Magkabaliktad sila ng ugali ni Sid. Si Brent mahiyain at mabait, si Sid naman Masungit pero sweet.
"Anong iniisip mo Blaise" I snapped back ng pitikin ni Sid ang ilong ko.
"Aray ah?" Tinakpan ko ng dalawang kamay ang ilong ko.
"Anong iniisip mo Babe?" He stared at me blankly kaya umiwas ako ng tingin.
"Wala. Naisip ko lang si Brent. May asawa na kaya sya?" Ibinalik ko ang tingin ko kay Sid.
"Imbes na isipin mo si Brent, Why don't you think of us having a baby?" Kinilabutan ako sa ngiti nya.
"WHAT? A BABY? SERIOUSLY?" Umatras ako ng konti para mapalayo sa kanya.
"We're married right? I can't see problem with that" umusod pa sya palapit sa akin.
"Sid" umatras ulit ako.
"Hmm?" He used his husky voice habang lumalapit sakin at mas lalo akong kinilabutan.
"Sid kase" Umatras pa ko ng kont--*BLAAG*
"Ouch." I touch my butt cause it hurts so bad. Tumayo si Sid sa kama at inabot ang kamay nya kaya hinawakan ko para makatayo.
"Stupid Clumsy Detective Wife" naaninag ko ang pag ngisi nya kaya dinamba ko sya dahilan ng pagkakatumba nya sa kama. Nasa ibabaw nya ko at para kaming nasa isang staring contest. Patagalan ng titig lol.
"Stupid huh?" I said not avoiding his gaze. Hindi nya ko sinagot instead, he roll over until he managed to be on top.
"Blaise." Unti unting lumalapit ang muka nya sa muka ko kaya napapikit ako until I felt his soft lips on my forehead.
"I'm just kidding wife. Di kita pililitin dahil alam kong busy pa tayo." He then lay beside me and stared at the ceiling.
"Iniisip ko kung sino ang mag aalaga sa kanya Sid. Di pa ko pwede magresign sa trabaho at ayokong lumaki sa yaya ang magiging anak natin" I hug him from the side.
"I know Baby. Pahinga ka na ok? Goodnight I Loveyou" He again kiss me on the forehead and after that, I fell asleep.
- "Detective, we found this note on the latest victim na iinimbestigahan namin ngunit hindi namin maIdentify kung ano ang sinasabi niyan." Pumunta si Officer Ramos sa bahay dahil gusto nya daw akong makausap. Well si Sid? Pumasok sa trabaho. Kung di nyo natatanong, we are importing Wines from other country at nagkaproblema daw dahil sa ilang araw nyang day off. Officer Ramos Handed me a piece of paper na may nakasulat na letters. My Mom taught me how to decipher codes kaya baka mapiga ko ang utak ko dito.
UR VF BAR BS GUR YRNQ IRON59
Iyan ang nakasulat sa note. Isa lang ang alam kong codes na hindi ginagamitan ng numbers. Ang ROT13 Cipher. (See the picture below)
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kung idedecode ko ang note gamit ang ROT13, ang kalalabasan ay,
HE IS ONE OF THE LEAD VEBA59
"VEBA59? hindi kaya pangalan yan Detective?" Napatingin ako kay Officer.
"Posible Officer. Posible din na kailangan pa itong idecode para malaman kung sino ang IRON59 na ito. Ano po ba ang pagkakakilanlan ng biktima?" Hindi ko padin inaalis ang tingin sa nadecode kong notes.
"Siya si Betina Stenies. Isa syang Scientist and somehow a Mathematician. 38 years old, car accident dahil nawalan ng preno ang sasakyan nya." Napatango ako sa turan ng kaharap ko.
"Kung isa syang Scientist at Mathematician, alam ko na ang sagot sa IRON59 Officer" napangiti ako kay Officer.
"Ano Detective?" Tanong nya
"Felix. HE IS ONE OF THE LEAD FELIX. Since isang scientist ang biktima, ang symbol ng IRON sa periodic table of elements ay FE. Isa din syang mathematician kaya I asssume na kapag ginawang roman numerals ang 59, madedecode ko ito at tama naman ang conclusion ko. Kapag ginawang Roman Numerals ang 59, LIX ang kalalabasan. Then I combined those two kaya naging FELIX" i explained
"Goodjob Detective" Officer clapped his hands
"Nabackground check na ba ang biktima Officer? Nagtataka kasi ako kung pano sya nakapagsulat nyan, e car accident ang kinamatay nya. May kamag anak ba siyang Felix? Or kaibigan man lang? O kaya kakilala?" I asked the Officer.
"Pinabackground check ko na bago ako pumunta dito sa iyo. Iniwan ko sa kanila at sinabihang tawagan ako kapag may bagong trace. May hawak syang ballpen at notebook ng natagpuan namin ang bangkay nya. Siguro nang malaman niyang wala syang preno, isinulat niya ang note na iyan." Ibinalik ni Officer ang mga papel sa envelop.
"I wonder if ang lead na tinutukoy nya ay ang lead sa sindikato" I asked.
*RIIIIIIING*
"Hello?" Officer Ramos pick up his phone kaya nanahimik muna ako.
"Okay...Now?..Yes Sige.. Pupunta na ako dyan Salamat Bye." Ibinulsa nya ulit ang cellphone nya.
"Detective, napag alaman na may asawa ang Betina at nagngangalang Felix Stenies. Maraming salamat ulit Detective. Mauuna na ako at tatawagan nalang ulit kita kapag nakausap na namin si Felix." He stood up and shake hands with me.
"Sige Officer" I accompany him to the door until his car dissapear on my sight.