Chapter 3: Master

79 3 0
                                    

"Yaya, ano pong breakfast?" tanong ko kay yaya Josie kasi nagugutom na talaga ako.

"Ahh yung paborito mo anak yung pancake na may chocolate." natuwa ako sa sinabi ni yaya paboritong paborito ko yung pancake simula bata pa lang ako yan na ang palagi kong almusal kaya nakahiligan ko na to.

"Trix may tao sa labas" sambit ni mommy. Nagulat ako ang aga niya. "Sino yun boyfriend mo?" Siya boyfriend ko no way masyado siyang mayabang.

"Mom, hindi po schoolmate ko lang po siya, may gagawin lang kami." hindi ko na lang sinabi kay mama ang totoo dahil alam ko naman si mama pipigilan niya ko sa plano ko pag nalaman niya ang totoo.

"Ayy sayang kala ko boyfriend mo ang gwapo pa naman, wala bang chance?" pangugulit pa sa akin ni mommy. I nodded my head, wala talaga akong time sa mga ganyan ganyan.

Lumabas na lang ako at pinagbuksan ko siya ng gate. Pagkakita ko sa kanya nakasandal siya sa audi niyang kotse at pampormal lang ang suot niya.

"Go inside, wait for me I'll eat" sambit ko tumango na lang siya.

Pagpasok namin sa loob umupo siya sa sala ako naman kumakain. Habang kumakain ako napatingin ako sa kanya at nakatangin din pala siya sa akin. Hindi ko maiwasang mailang kaya inalis ko na ang tingin ko sa kanya.

Natapos na din akong maligo at makapag ayos. Si kuya naman ngayon lang nagising, nagpaalam na din ako sa kanila.

"Mom, We'll go now goodbye." sambit ko tumango na lang siya.

Paglabas namin ng gate dumiretso na agad ako sa tapat ng sasakyan ni Zeyn.

"You will drive for me." cool kong sabi sa kanya.

"Where we going?" tanong niya. Aba ang dami pa niyang tanong.

"Were going to the mall." sambit ko sa kanya. Napatulala na lang siya siguro alam niya na kung anong gagawin niya. Tumango na lang siya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at umalis na din kami.

Habang nag dadrive siya tahimik lang kami. Nakakapanibago ang tahimik niya ngayon akala ko ba sincere siya na maging friends kami so dapat kinukulit niya ako ngayon. Ano Trix? Anong pinagsasabi mo mas okay nato na tahimik lang siya at hindi ka na niya kinukulit pa. Holiday ngayon kaya ang traffic. Nakita ko siya na nauurat kasi ang tagal bago makalakad ung mga kotse. Hindi ko maiwasang matawa sa itsura niya ngayon.

"Why are you laughing?" tanong niya. Patay bat niya pa nakita ang pagtawa ko baka mamaya isipan niya baliw ako na tumatawang mag isa.

"Uhm nothing" Tumalikod na lang ako sa kanya para hindi niya na makita na tumatawa ako. Sa wakas buti na lang umandar na din yung mga kotse. Eto naman si Zeyn nawala na yung inis sa mukha niya. Maya maya ng unti nakaramdam ako ng pagkauhaw ang tagal kasi ng biyahe papuntang mall.

"May tubig ka ba diyan nauhaw na ko ehh?" tanong ko sa kanya. Kinuha niya yung bote ng tubig sa bag niya at inabot niya sa akin ininom ko na din baka kasi mamaya mamatay pa ko sa uhaw ehh.

"Uhm Tri...x?" nauutal niya pang sabi.

"Call me Master Trix okay" sambit ko sa kanya. Gusto ko talaga mag mukha siyang alipin. Tumango na lang siya

"Master Trix pagkatapos ba nitong pinapagawa mo, may chance ba na pwede tayo maging magkaibigan?" tanong niya sa akin. Sa ngayon hindi ko muna siya sasagutin sa tanong na yun kasi hindi pa naman ako sigurado kung anong mangyayari sa plano ko.

Buti na lang at nakarating na din kami sa mall.

"Bring my bag" binigay ko sa kanya ang bag ko at naglakad na papasok.

Stupidly Inlove with youWhere stories live. Discover now