Nagmamadaling nagtungo si Yakal sa kinaroroonan ng kanyang ama upang ihatid ang magandang balita.
" Ama, natagpuan na ni Kapok kung saan naroon si Lagalag."
" Nalaman na ba niya kung ano ang kapangyarihan na taglay nito?" tanong ni Balau sa anak.
" Hindi pa, ngunit ngayong natagpuan na sila ay madali na lang niya maisasagawa ang bagay na iyon," sagot ni Yakal. " Kailangang mauna munang maisagawa ang ating binabalak para sa Pamunuan."
" Kung gayon ay sisimulan ko na ang panliligaw sa mga kasama kong kasapi ng Pamunuan. Kailangang maipakita natin sa kanila na hindi na karapatdapat mamuno si Falcon.
Habang naglalakad palabas sa canteen sina Joshua at Mario ay sinalubong sila ni Angelo.
" Josh, good news! Wala na naman tayong pasok." nakangiting bungad nito sa kaibigan. " Gala na naman tayo."
" Talaga? Kelan?" tanong ni Mario.
" Nagrequest daw ng pahinga yung mga teachers at professors na kasama sa nangasiwa ng Intramurals." sagot ni Angelo, " After ng Intrams, pahinga sila ng dalawang araw. Pumayag na daw si Dean."
" Dalawang araw? Saan tayo makakarating nun, sa Luneta?" natatawang sagot ni Mario.
" Hindi pa ko tapos, sabat ka ng sabat," naiinis na sagot ni Angelo. " Anong araw ba ngayon?"
" Martes"
" Mamayang hapon na awarding ceremony natin. Bukas, Miyerkules, hanggang Huwebes wala tayong pasok, di ba," paliwanag ni Angelo, " Yung Friday, holiday yun, kaya wala din tayong pasok nun, ganun din Sabado saka Linggo. Tapos, Monday, wala ding pasok kasi naka schedule yung transport strike . Bale kung bibilangin mo lahat-lahat, mula bukas hanggang sa Lunes, halos one week tayong walang pasok. Puwede na magbakasyon di ba."
" Saan naman tayo magbabakasyon?" tanong ni Mario.
" Maka tayo ka, parang sasama ka ah," kantiyaw ni Angelo, " Hindi ka naman sumasama sa gala namin. Si Bryan kasi, nagyayaya sa kanila. Maganda daw dun. Kaunti pa lang nakakaalam ng ganda ng lugar nila kaya kaunti lang daw tao. Solo natin ang dagat. " sabi ni Angelo.
"Ahh, alam ko yung kanila. Maganda talaga dun," sagot ni Mario," developed na kasi dun kaya karamihan mga resorts na. Hindi kagaya ng sa amin, liblib pa rin hanggang ngayon."
" Isama kaya natin sina Queenie at Diana," sabi ni Angelo. " Gusto din kasi ni Diana na makakita ng dagat."
" Bakit, hindi pa ba nakakakita ng dagat si Diana? Saang bundok ba galing yun?" natatawang tanong ni Mario.
" Ibig niyang sabihin, gusto ni Diana na makakita uli ng dagat. Baka matagal na hindi na nakapunta sa dagat," paliwanag ni Joshua.
" Ba't ka ba tanong ng tanong Mar? Sasama ka ba?" tanong ni Angelo.
" Sasama sana kaya lang pares-pares na kayo. Ano gagawin ko dun? Dakilang photograper?"
"Grabe ka naman, hindi naman namin gagawin sa yo yun," sagot ni Angelo," ikaw pa ba? Puwedeng ikaw yung magluto ng barbecue habang nagsiswimming kami, o kaya tagatawag sa amin kapag oras na ng kain."
" O kita mo, gagawin pa ninyo akong dakilang alalay," sagot ni Mario, " Hindi na uy, kayo na lang."
" Balik na lang uli tayo sa inyo kapag may resort na sa Bundok Mari-it," biro ni Angelo.
" Yun ang malabong mangyari," sagot ni Mario, " Restricted na dun mula nung bumaba doon ang mga bang-aw. Bawal na puntahan. Doon na lang tayo kina Queenie. Tagaroon yun sa amin pero hindi ko pa nararating ang bahay nun."
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang Engkantong Lunhaw
AdventureMagkakaibigang magkakasama sa saya, lungkot at pakikipagsapalaran. Pagkakaibigan na nauwi sa pag-iibigan. Pag-iibigan na pilit hinahadlangan. Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua, Angelo, Pitta at Danara laban sa mga panibagong ka...