Kabanata 9. LWTB

74.3K 2.2K 115
                                    

Matapos ang sandaling pinagsaluhan namin ay bigla na lamang mas lumamig ang pakikitungo sakin ni Lord Griffin. Ilang linggo na ang nakalipas matapos naganap ang pangyayari saming dalawa.

Ako lamang ba ang nagbibigay ng kahulugan sa nangyaring yon? Pero siya ang nakauna sakin alam niya yon hindi naman siguro ako nito babalewalain.

Ngunit nagkamali ako, nagkamali ako ng isang araw ay may bisitang dumating sa mansion.

********

Umaga palang at nakagawian ko ng linisin ang mga tuyong dahon na nagkalat sa lupa. Si Aling Vilma ay nasa kabilang bayan at namili na ng ihahanda.

Abala ako sa pagwalis ng tumatakbo si Aling Vilma. Nakarating na pala ito. Nagmamadaling umuwi sa mansion. Naguluhan man ay hindi ko na pinansin iyon at nilinis ko naman ang mga tuyong rosas ngunit naalala ko nga pala na ayaw na ayaw ng Lord galawin ang kahit dulo nito.

Kaya minabuti ko na lamang na sundin yon at papasok na sana ako sa loob ng makarinig ako ng sunod sunod na kotseng paparating. Napalingon ako at nakita ko ang mga itim na sasakyan ng tauhan ni Lord Griffin.

Huminto muna ako at nakarating na sila. Hindi ako pinansin ng mga ito at nag tuloy tuloy lamang sa loob ng mansion. Nakaparada lang ang tatlong itim na sasakyan sa labas.

Pumasok na ako sa loob at natagpuan ko si Aling Vilma na aligaga na sa pag luluto. Nilapitan ko ito at lumiwanag naman ang kanyang mukha dahil sa tuwa na meron ng tutulong dito.

Kaagad niya akong inutusan dahil nakalimutan nitong bumili ng mushroom na isa rin sa sangkap sa kanyang lulutuin.

"Laarni mabuti na lamang at nandiyan kana. Magmadali ka uutusan kitang mamitas ng mga mushroom sa kakahuyan sa tabi mismo ng lawa." Alam ko ang lugar na yon dahil tinuro na sakin ito noon sakin ni Aling Vilma.

Tumango tango ako at dali daling isinoot ang kulay pulang balabal ko sa katawan panlaban sa sobrang lamig na panahon. Mahaba ito na tumatakip sa buong katawan ko. Malamig talaga sa lugar na to kaya nakakapagtaka narin dahil makikita mong umuusok ang hangin na nanggagaling sa hininga mo.

Isinuot ko narin ang itim na gloves ko at malaking itim na basket na siyang paglalagyan ko ng mga mushroom.

Paglabas ko ng kusina ay naabutan ko ang mga tauhan ni Lord Griffin na nagpupulong pulong sa malaking salas. Ang buong akala ko ay sila lamang yon ngunit napadako ang aking mga mata sa lalaking naka kalum baba at naka dekwatro pa. Nakakunot lamang ang kanyang noo na palagi naman niyang ginagawa.

Mukhang may importante silang pinag mimeetingan. Napadako sakin ang kanyang tingin at ako naman ay napangiti. Ngayon na lamang niya ako muling tinignan matapos niya akong iwasan kamakailan. Tila nabuhayan pa ako ng loob dahil sawakas ay napansin niya rin ako.


Ngunit kagad ding nawala ang saya na yon at napalitan ng sakit ng iwasan niya muli ako. Iniba nito ang direksyon ng kanyang tingin at ni hindi lamang ako pinag aksayahan ng panahong pansinin. Napayuko na lamang ako sa labis na kahihiyan.


Bakit bigla siyang nag bago? Anong ibig sabihin nung naganap saming dalawa? Wala lang ba ito rito? Tumalikod na ako at may isang butil ng luha ang kumawala sa aking kanang mata. Oo nga pala nakalimutan kong isa nga lang pala akong katulong dito. Dapat ay lumugar ako.


Duon ako naliwanagan. Ang mga sandaling yon ay wala lang sakanya. Dapat ko ng itigil pa ang pagpapantasiya ko dahil hindi nga pala ako nararapat. Langit at lupa ang aming pagitan kaya kasing bilis ng hangin ang paglimot nito sa mga ala-alang pilit kong iniingatan sa aking isipan.


Living with the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon