Kabanata 18. LWTB

55.8K 1.9K 151
                                    


Dahil Highest Rank # 2. In Vampire ang story ko... Maraming maraming salamat sainyo. Pinasaya niyo ako at napawi ang lahat ng pagod ko. Dahil jan mag aupdate ako ngayon. Salamat po sainyo. First time maging number two sa Vampire Story haha! I love you guys. Please keep on voting and comment! Promise palagi na akong mag aupdate basta may motivation! Thank you so much sobrang pinasaya niyo ako.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


.................................................................................

Laarni:

Napagdesisyunan nila na magtungo kami sa hilagang bayan. Ito ang bayan kung saan ay hindi lumilitaw. Kumbaga hidden town ito kung tawagin. Hindi ko alam na totoo pala ang sabi sabi ng mga matatanda at ngayon masasaksihan ko na kung bakit ito tinawag na Hidden Town.



Dahil sa hindi ko na kaya pang ilakad ng matagalan ang aking dalawang mga paa ay buhat buhat ako ni Sebastian papasok ng sasakyan nito. Gabi kami nagbalak na lumisan. Si Vlad naman na pinsan nito ang nagmamaneho at siya ang aking katabi sa likuran.


Panatag ang loob ko kahit na gusto na akong itago ni Seb sa takot na balikan kami ni Azula. Pinagdarasal ko na sana hindi na ito maka-abot sa pinuno ng mga Bampira at ang mga Elders. Ayokong matulad si Sebastian sa kanyang Ama na pinarusahan ng kamatayan. Hindi ko makakaya na walang makagisnang Ama ang batang nasa sinapupunan ko.




"Magpahinga ka muna, mahaba pa ang gabi." Sabi ni Sebastian at inilagay ang ulo ko mismo sa kanyang balikat. Hawak hawak naman ng kanang kamay niya ang aking malaking tiyan.

....

"T-tulong.."




"T-tulungan mo ako." Sabi ko sa lalaking nasa harapan ko. Hindi padin ito gumagalaw at tila pinagmamasdan akong bawian ng buhay. Hawak hawak ko ang aking leeg kung saan tumutulo ang malapot at mainit kong dugo.




Pagapang akong lumayo sakanya at nakita muli ang kakaibang repleksyon ko sa napakalaking salamin. Ang ginto kong buhok na unti-unting nagiging kulay itim. Ang mapupulang mga mata ko na bumabalik na sa pagiging dilaw. Ako si Laarni, bumabalik na ang totoong ako.






"Alira..." Banggit parin ng lalaki sa akin. Hindi ako ang Alira na kanyang binabanggit. Maging ako ay naguluhan sa pagkatao ko ng mga oras na yon. Tila ba may koneksyon ang pagkatao ko sa pangalang yon.





Nakaramdam ako ng pamamanhid ng buo kong katawan ng mga oras na yon. Palapit na sakin ang lalaki at sinikap kong maaninag ang kanyang mukha...




......

Hingal na hingal akong nagising.




"Are you okay?" Pagaalala sakin ni Sebastian ng nataranta akong hawakan muli ang aking leeg. Pawis na pawis ako ng mga oras na yon.



Living with the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon