Kabanata 23. LWTB

50.7K 1.4K 68
                                    




•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"Haring Virgel, paumanhin po ngunit may bisita po kayo galing labas ng palasyo." Sabi ng isa sa mga kawal ni Haring Virgel.



Si Haring Virgel ang pinaka pinuno ng bampira. Iisa ang dugong nananalantay sa ugat nilang dalawa ni Sebastian dahil pamangkin niya ito. Kapatid ni Haring Virgel ang hinatulan ng kamatayan na dating si Haring Agustus Griffin ang ama mismo ni Sebastian Griffin.




Malaki ang naging inggit ng Hari sa ama ni Sebastian dahil pinagkalooban ito ng dugong bughaw o isang Royal Blood Vampire. Ang Royal Blood Vampire ay ang pinaka mataas na antas sa buong mga bampira. Hindi lahat ay may dugong bughaw. Kung sa tingin ng marami na nagiging Royal Blood lang dahil sa mayama ang antas ay nagkakamali kayo.





Isang Hybrid lamang ang may kakayahang magkaroon ng Royal Blood. Matatawag na Hybrid si Haring Agustus dahil hindi lang siya isang bampira kundi nagiging isang halimaw o tinatawag na beast. Sa buong dekada ay siya lamang ang kauna-unahang hybrid. Malaki ang naging inggit ni Haring Virgel sa kapatid dahil sa isa lamang siyang hamak na mababang uri na mga bampira. Anak siya sa labas ng ama nila ang Dating pinuno na si Marcus Griffin. Ang unang bampira.






Umibig lolo ni Sebastian sa hamak na indio o katulong mismo sa palasyo at ang naging bunga nun ay ang kanyang tiyo na si Virgel. Namatay naman ang ina nito ng ipanganak siya at di nagtagal ay umibig muli si Marcus ang lolo ni Sebastian sa isang mataas na antas na bampira si Mandalene ang Ina ni Agustus. Kaya ganoon na lamang ang pagkamuhi ni Virgel sa nakababatang kapatid dahil sa dugong buhaw na nananalantay sa ugat nito na pinakamimithi ng mga bampira ang pagiging Hybrid.







Pinaslang niya ang ama nila. Ngunit mas lalo siyang nanggalaiti sa galit ng si Agustus ang hinirang bilang Hari ng mga bampira dahil sa isa itong hybrid. Habang masaya si Agustus at nagkaroon ng pamilya at isinilang si Celeste ang unang anak ay nagsasagawa na pala ng maitim na balak si Virgel. Nasundan agad si Celeste at ito ay si Sebastian. Dalawa ang naging anak ni Agustus sa asawang si Hanaya ang Royal Blood Princess Vampire. Nakuha ng magkapatid na si Celeste at Sebastian ang dugong bughaw na mas lalong nagpatindi sa galit ni Virgel dahil nadagdagan ang kanyang problema.







Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Reyna Hanaya Griffin at nasawi rin agad ito. Gumulo ang makulay na mundo ni Haring Agustus maging ang mga anak nito.





Hindi nagtagal ay nakilala Ni Haring Agustus ang babaeng lobo na si Pretaniya at inibig niya ito. Nagkaroon iyon ng bunga at malaking kasalanan ang magkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng mortal na magkalaban. Hindi pinalagpas ni Virgel iyon ng malaman niya ang lihim ng kapatid niya at ang lihim na pakikipagkita nito kaya ibinalita niya kaagad ito sa mga Elders na siyang pwedeng manghusga ukol sa nasabing kasalanan.







Ng malaman ng mga Elders at napatunayan ay hindi sila nag dalawang isip na ibaba sa trono si Haring Agustus habang pinalayas naman sa palasyo ang magkapatid na Celeste at Sebastian. Galit ang nabuhay noon sa puso ng binatang si Sebastian dahil sa murang pag iisip ay naiintindihan nito ang mga pangyayari.






Hinatulan ng kamatayan si Agustus na labis na kinabagsak ng mundo ni Sebastian libong taon na ang nakakalipas. Sa pagkamatay ng Agustus, hinirang naman bilang isang Hari ang sakim nitong kapatid na si Virgel. Isang malupit at makasarili ito. Walang puso sa nasasakupan at puro digmaan ang kanyang minimithi.


.............

"Papasukin ang bisita." Mautoridad na sabi nito habang pirmeng nakaupo sa trono at umiinom pa ng special wine na tila dugo.




Nagbukas ang napakalaking batong pinto na kulay ginto. Rinig ang mga yapak ng nag tataasang takong ng panauhin. Isang babae ito.





Kumunot noo ang Hari na napapaisip kung ano ang sadya ng babaeng iyon.







"Anong ibabalita mo?" Sabi nito.







"Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong ipinanganak na ang sugo na tatapos sa buhay mo?" Ngising sabi ng babae.





Sa pagkagulat ay nabitawan ng hari ang baso at itoy nabasag. Sumaboy naman ang espesyal na dugo o plasma sa makinang na sahig.






"Half Blood?" Tanong ng Hari.







"Ang unang apo mo Haring Virgel. Isang Half Blood." Nanlaki ang mga mata Ni Virgel at nanlisik muli at naging kulay itim na itim ang buong kaputian habang ang gitna ay labis na ang pamumula sa galit.







"S-sinong lapastangan? Kaninong anak!" Galit na sabi ng Hari.







"Anak ng pinakapaborito mong pamangkin. Anak ni Sebastian." Sabi ng babae. Ang babae ay kaibigan din ng Hari at kaibigan din maituturing ng partido ni Sebastian ngunit isang misteryo kung sino ito.







"Montiler! Lumabas ka ng palasyo at dalhin mo ang ulo sakin ni Sebastian!" Galit na galit na sabi ng Hari.





Sumunod ang Heneral na si Montiler. Ngunit hindi niya inaakalang tatapusin siya ng buhay ni Sebastian dahil napakalakas nito. Nasawi ang kanang kamay ng Hari.




.........

Dalawang araw na mula ng umalis ang kanyang kanang kamay. Palakad lakad ngayon ang Hari at hindi mapakali. Kanya niyang itinipon ang mga bampirang kawal dahil alam na niyang malaking digmaan ang susunod dito.





"Sa mga oras na to alam kong pinatay na niya si Montiler." Nagsasalita ng mag isa ang hari at kausap lamang niya ang kanyang sarili habang nababalisa.






Hindi mawala sa kanyang isipan ang sinabi ng babae dalawang araw na ang nakalipas. Naupo muli siya sa trona at napasandal sa kanyang gintong sandalan. Iniangat niya ang kanyang paningin at ipinikit ang mga mata. Ngayon ay kailangan niya si Huno ang propesiya. Ang babaeng nakakakita ng kinabukasan. Kailangan mapasakamay niya ang mata dahil kailangan niyang mapag handaan ang araw ng digmaan.






Sumenyas ang kanyang matulis na kuko upang tawagin ang indio na nasa harapan niya. Lumapit ito at nagulat ng biglang walang anu-anong nakapasok ang buong kamay ng Hari at dinudukot ang puso nito.







"Ma-hal na h-ari ba-kit.." hindi na makapagsalita ang lalaki at tuluyan ng binawian ng buhay. Ang puso naman ay tumitibok padin ngunit dahan dahan na lamang. Ganito minsan ang pagiisip ni Virgel lalo na kapag siya ay nangangamba sa mga pwedeng mangyare.







Naagnas naman sa harapan niya ang tumbang katawan ng isang mababang uri ng bampira hanggang sa maging abo ito.





Ngayong alam na niya ang katotohanan, ang mismong pag lapastangan ng kanyang Pamangkin sa lahi ng mga bampira ay hindi niya ito mapapatawad at kailangan niyang mailigpit ito sa madaling panahon. Ngayon ang kanyang plano ay ang patayin ang sugo. Ang half Blood Vampire na papatay sakanya sa hinaharap.







Itutuloy.....


Hi sorry panget ng update ko ngayon di kasi ako makapagisip ng maayos. Please vote and comment for the next update thanks!

Living with the Beast ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon