#3: Sick Of Being Single

59 5 0
                                    

Lhenard's Point Of View

"Class announcement! The school allows us fourth year students to have a break at resort! This," itinuro ni Ma'am yung student's slip.

"Blah blah blah.." di ko na napakinggan si Ma'am ng bumagsak ang ulo ko sa desk kung saan nakapatong ang bag ko.

"Mr. Garcia! Binigyan mo ako ng takot!" napaangat ang ulo ko.

"Sorry Ma'am.. Inaantok lang po.."

"You may go to the clinic Mr. Garcia with..."

Maraming nagtaas ng kamay, "Ms. Ramos.." sabi ni Anne..?

Yung nerd naming kaklase? Ba't di nalang siya? Ganoon ba kasamaang nagawa ko? Di ko naman siya ginalaw, wala naman masama diba? Kesa sa maligo at maging mabaho siya dahil sa suka niya? Ako na naman ang lumabas na mali?

"Ako nalang magisa Ma'am. Makakaabala pa kasi ako," sabi ko habang binigyan ng senyales si Ms. Ramos na wag na lang at umupo nalang.

Sinukbit ko sa balikat ang bag ko at lumabas ng room. Bumaba kaagad ako sa hagdan at pumunta sa clinic.

Pinapasok ako ng nurse at pinahiga sa bakanteng kama sa clinic. Pinatong ko ang braso ko sa mukha ko at natulog.

Anne's Point Of View

Ang putla niya. Matamlay. Biglang makakatulog. Parating nakaub-ob. Mababa ang tingin. Pag tinawag, sasagot naman nakaub-ob pa rin. May bandaid sa pisngi at kamay. Hirap tumayo, kahit umupo. Halatang basa ang puting bag niya. Sa polo niya may parang natuyong mantsa sa harap. Ang pants niya may punit, namumuti siguro dahil sa dumi. Gulo gulo ang buhok. Nakavarsity jacket na hindi usual sa kanya. May cut sa kilay pati labi. Halatang di nakatulog..

...Lhen-Lhen, ano bang nangyayari sayo? Kanina ayaw mo makasama yung crush mo kamo na si Ms. Ramos.

Magiisang oras na siyang nandun.. Puntahan ko kaya?

Nagtaas ako ng kamay, kaliwa. "Ma'am! Puntahan ko lang si Mr. Garcia sa clinic! Salamat po!" ngapose pa ako na ala chichay, kinuha ko ang bag ko at pumunta sa clinic.

Hapong-hapo ako ng makapunta sa clinic. Pumasok ako sa loob.

"Lhen--ard...?" nakita ko si Lhenard na..

Lhenard's Point Of View

Nakita kong bumukas ang pinto, kaagad kong sinuot pabalik ang varsity jacket ko.

"Lhen--ard...?"

"Bakit ka nandito Ms. Legazpi?"

Di niya pinansin ang tanong ng nurse, lumapit siya sakin. Marahas niyang inalis ang varsity jacket ko, kaagad ko namang binalik. Nakailang ulit kami na ganun. Marahas na aalisin, kaagad na ibabalik. Paulit ulit lang.

Sumuko nalang ako. Makulit din kasi siya, mas makulit.

Anne's Point Of View

"San mo lahat ito nakuha?!" iniwas niya ang tingin at mabagal na inayos ang varsity jacket niya.

"Wala, napagtripan lang sa kanto. Miss nurse, pwede na ba akong umalis o umuwi?"

"Umuwi ka nalang para naman makapagpahinga ka. Pag wala ka ng lagnat tsaka ka nalang pumasok okay Mr. Garcia?" tumango siya bilang sagot.

Lumakad siya paalis, sumunod naman ako at hinigit ang kwelyo ng varsity jacket niya. "Ano ba Anne! Masakit! Kanina ka pa ganyan! Lalayo tapos lalapit, at ngayon kahit na nasasaktan na ako aarte ka na naman na walang pakilam?! Anne naman! Kung galit ka sabihin mo! Oo na ako na naman may kasalanan dahil sa ginawa ko nung isang gabi! Sorry! Oh ano pa ba?! Sisisihin mo pa rin ba ako dahil inimbita kita?! O baka naman pinagsisisihan mo na nakilala mo ako?! Anne! Pagod na pagod ako! Ilang araw akong walang tulog! Kaya pwede ba, hayaan mo ako? Kahit isang beses lang? Hayaan mo akong gumalaw para sa sarili ko?"

An.. Andami niyang sinabi.. Naiiyak na ako. Pahina ng pahina ang boses niya. Nagcrack na din..

"Lhen-Lhen..."

"Please Anne, pagod na pagod na ako.. Mawawala ako sa tabi pero sana naman tumayo ka magisa. Wag mo lagi ibatay sa akin! Dahil kahit ako napapagod sa inaasal mo!"

~ ~ ~

Never na nakapagdesisyon ng ayos si Lhen-Lhen para sa sarili niya. Lagi niyang binabatay para sa akin. Kung anong makakabuti para sa akin. Lagi na siya sumasalo ng kahit ano. Nung nabasag ko ang vase namin sa bahay, sinabi niya na siya ang may kasalanan.

Kinabukasan nakita ko siyang may sugat. Lhen-Lhen, nagiging pabigat na ba ako sayo? Nakakasama na ba ako para sayo?

Dapat bang iwasan kita? Bakit ganun?

Kahit single, nasasaktan pa din? Kahit crush lang yun, bakit? Kahit best friend, masakit pa din? Kahit na fan ka lang kagaya ng EXO, nasasaktan pa tayo lalo kesa sa kanila?

Dahil siguro, malaki ang pagpapahalaga natin. Ang iba puro materyal na bagay ang mas mahalaga para sa kanila di nila alam na ang di materyal at mahirap na bagay ang mahirap ang mas nawawalan ng silbi para sa kanila.

Lahat di kayang magisa, ang maging single. Ang matandang dalaga sumasandal pa rin siya sa Panginoon, sa kasama sa bahay. Non living things kahit living things.

Walang kayang magisa, kagaya ng single. Di kaya na habambuhay single.

Maghahanap at maghahanap ng makakatuluyan. Pag di nahanap kakapit sa patalim. Maraming facts ang mundo na kaunting tao lamang ang nakakapansin. Gaya ng maliliit na dumi. Kailangan pa ng microscope para makita sa liit.

Ang dumi di nakikita kung di sama sama, pag naipon kalahati na ng mundo. Dumi maituturing ang tao, dahil para sa akin ang tao ay ang dumi. Dapat linisin at paunlarin ang kaalaman para maayos at mawala ang dumi sa mundo.

Wala ngang heartbreaks ang singles, may heartaches naman ito. Gaya ng nararamdaman ko ngayon.

About Being SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon