Avril's Point of View
"Magbati na nga kasi kayo," nakaka-100 beses ko na atang sinasabi ito sa babaeng ito na nakita kong umiiyak. Balak niyang magpakamatay. Nandito kami sa isang sakayan ng tren, at siya iyak ng iyak.
Pero heto ako, paulit-ulit hanggang ngayon. Napabuntong hininga ako, nagvibrate ang cell ko.
"Sagutin mo na," bulong niya at nahikbi pa.
Medyo lumayo ako at sinagot ang tawag, "Tricia, bakit ka napatawag?"
(Namiss lang kita, Avril)
Napangiti ako dahil dun, "I miss you too, Icia," nakangiti kong sabi.
(Av, hindi ka ba nagsasawa?)
Nawala ang ngiti ko dahil doon, "Icia, tawagan nalang kita mamaya," sabi ko at i-end ang tawag.
"Saan ka ba nakatira? Hahatid na kita," sabi ko sa kanya ng makalapit ako.
"Wag na, kaya ko na ito," sabi niya at tumayo, pero natumba siya kaya kaagad ko siyang sinalo.
"Alam ko na kung saan ka dadalhin," sabi ko sa kanya at binuhat siya papunta doon.
***
"Nga pala, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya ng mai-abot ang icecream sa kanya.
"Thanks, Anne--Anne Legazpi," sabi niya sa akin at kinuha ang icecream.
"Avril, Avril Lee," pakilala ko sa kanya.
"Avril Lee?! Ikaw 'yung boyfriend ni Ate Tricia?!" in-alog alog niya ako, tumapon tuloy sa akin ang icecream niya pati ang icecream ko. Brr, lamig.
"Teka teka! Ang lamig! Brr," hinubad ko ang polo ko, tanging undershirt nalang suot ko na pantaas.
"A-Avril.. O//////O" namumula siya, eh? Bakit?
"Oh sorry," nasabi ko ng narealize ko ang ginawa ko, sinuot ko ulit ang polo ko.
Pakiramdam ko sobrang lagkit ko dahil sa icecream. Ano ba 'yan.
Inalis ko 'yung dalawang cone na nasa lap ko. Lagkiit.
"Sorry sorry, pero ikaw 'yun di'ba?"
"Huh? Hindi," malungkot kong tugon.
"Bestfriend niya lang ako, ang boyfriend niya si Cedrick," sabi ko at tumayo.
"Uwi na ako Anne," sabi ko sa kanya.
Habang nasa daan ako pauwi, tinawagan ako ni Icia. Hindi ko sinagot, iku-kwento na naman niya ang boyfriend niyang si Cedrick. May nakita akong tulay, pumunta ako doon.
Umupo ako sa gilid, pinanuod ko ang tubig na naagos.
"Av," may tumawag sa akin. Pag tingin ko sa likod ko nakita ko si Icia.
"Pagod na ako, Icia. Suko na ako, tao rin ako na napapagod. Hindi ako si Superman," sabi ko sa kanya at binalik ang tingin sa baba.
Rinig ko ang yabag niya na paalis na. Napabuntong hininga nalang ako.
Avril Lee, half-Japanese, half-Korean, half-Pilipino. Malabo.
Bastardong anak ni Gavrel Lee, labas na anak ni Rina Shin.
Weird hindi ba? Labo.
May kapatid daw ako, ayoko nga siya kilalanin.
Pag uwi ko lang sa bahay namin, maabutan ko lang sila na nagaaway.
Napabuntong hininga nalang ulit ako, hinayaan ko nalang ang sarili ko na malaglag.
May humigit sa kwelyo ng polo ko, "Kuya," sabi niya.
"Umalis ka na," sabi ko sa kanya. "Hayaan mo na ako."

BINABASA MO ANG
About Being Single
AventuraIf your reading this now you'll realize that this is stupid. XDD Single at nagpapaligaw noon, Buntis kahit single ngayon. Simple noon, Over maka-make-up ngayon. Mahinhin noon, PDA kahit saan ngayon. Mga noon at ngayon noon, Mga facts na ngayon. O sa...