MIA's POV
"Oh anak, ako na dyan. Baka mapagod ka pa." Tanong sakin ng mabait kong ina. Nakita niya kasi akong naglalaba. Wala naman kasi akong magawa, so naglaba na ako.
"My, It's ok. Sanay naman po ako dito " Sabi ko at pinagpatuloy na ang paglalaba.
"Pero Mia, masyadong marami iyan. Mapapagod ka lang. Diba may pasok ka pa?"
"Ayos lang po. Kaya ko po ito at mamaya pa naman po ang pasok ko."
"Oh siya, siya sige. Tawagin mo na lang ako if you want a help ha?"
"Opo My"
Ako nga pala si Arisha Mia Sebastian. Mayaman. Simple for short of my description. Well nag-aaral ako dito sa probinsya namin. May apat akong kapatid at mga KUYA ko sila. Bunso ako.
Pinagpatuloy ko na ang paglalaba nang biglang dumating si Kuya Ethan. "Oh baby? Bakit ikaw ang naglalaba? Asan si Nanay Cathy? or Si My?"
"Wala si Nanay Cathy, nag day-off siya. Si My naman, busy. Ok lang naman ako kuya Ethan. Kaya ko."
Ang kulit naman ng isang toh. Parang hindi na nasanay sakin. Hays..
"Ok baby." Tumawa siya. "Wag highblood! haha" Heh!
Umalis na sya. Nakakainis naman si Kuya. Lagi nya ako inaasar! Tsk.
Makapaglaba na nga.... ULIT.
____________________
Nasa University na ako ngayon. Mag-aaral :) hahaha. Yan lang naman ang inaatupag ko dito ee..
"Mia!" Si Abby. Close friend ko. Hingal na hingal siya nung nasa harap ko na siya. Pano ba naman kasi .. Tumakbo siya ng pagkabilis bilis para lang maabutan ako. Abno lang noh? "Oh? Bakit Abby? May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman girl. Namiss lang kaya kita."
How sweet naman ^_^ hehe.
Niyakap ko siya. "Aw.. Halata naman na miss mo ako noh! Ang lakas ng loob mong isigaw name ko tapos tumakbo ka pa ng pagkabilis bilis para sabihin yan. hahahaha!"
"Hehe. Mia naman ee! Oh by the way, Kamusta ka na? May nagbago ba sa buhay mo? Kamusta ang future architect ha? hihi." Abno talaga toh. May hihi pa. Haha. and Yes! Nagtetake ako ng Architect :)
"Uhmm sakin?"
"Ay hindi! Sakin sakin." Ay! namilosopo pa -_- Nauna akong maglakad sa kanya. Iniwan ko siya.
"Uy Mia. Di ka naman mabiro. hehehe." Sabay hawak sa braso ko.
"Wala akong pinagbago. Still the same. Kasama pa rin sa magaganda. And about sa kurso ko... Uhmm, Ayos naman. Love ko pa rin naman."
Wooh! medyo mahaba ang sinabi ko aa XD
"Oh.. That's good. Sige una na ako Girl. Bye. Sabay tayo mag lunch aa." Sabay hug ulit then kiss sa pisngi.
Waaah! How I miss my friend.