Lunch time na. Nandito kami ngayon ni Abby sa Cafeteria. Nag-uusap, nagtatawanan at syempre kumakain.
"Mia. Kamusta si Kuya Nathan mo?" She said. Crush niya kasi si kuya Nathan. Gwapo daw kasi. Grr. Daw! "Ayun, busy sa pagiging musikero at sa pagiging isnabero." I sighed.
"Ah ganun ba? Kailan kaya niya ako mapapansin?"
"Pag pumuti na ang uwak, pag tumamis na ang asin at kapag nagsalita na ang hayop"
"Huh? Kailan kaya yun? Sana mangyari na yung sinabi mo Girl"
Ay! Shunga? Naniwala sa sinabi ko?
"Aray-ah!" Sabi niya. Binatukan ko kasi. Masyado siyang nagdadrama. Buti pa ako walang ganyan. Happy life lang! happy life! :) "Ang DRAMA mo kasi ee." Inemphasize ko talaga yung salitang drama.
"Eh pano ba naman kasi hindi ako napapansin ng Melabs ko huhuhu"
"Yaan mo na siya. Obsess ka na ata sa kuya ko. Mahal mo na noh?"
"Aba! Sinabi mo pa! Oo naman noh. Mahal ko yun. Ikaw ba wala kang mahal?"
Ahmmmmmm....
"Wala. Di uso sakin yun"
"Ang boring naman ng life mo Girl"
"Hindi kaya!" Hindi naman talaga ee.
"Boring kaya!"
"Hindi nga! Atleast ako walang pinoproblema di katulad ng isa dyan na katapat ko may pinoproblema lalo na kuya ko pa ang problema niya" Pagtataray ko. Nasa harap ko kasi siya. Naging malungkot yung itsura nya.
"Mia naman ee. Hindi mo ba ako naiintindihan?" Hindi. "Ang gulo ko na ba?" Oo. "Mahal kaya ako ni Melabs?" Hindi. "Mapapansin kaya niya ako?" Naku mas lalong Hindi. Ang isnabero nun ee. Obsess na talaga siya sa kuya ko. Pano kapag nagmahal ako? Magiging ganyan din kaya ako gaya ni Abby? Sana wag naman at Sayang si Abby.
Hindi naman sa sayang pero kasi hindi naman siya pinapansin ng kuya ko na mahal niya kahit gwapo pa si kuya at maganda naman siya.
Kaso si Kuya talaga ang Problema dito ee! SI KUYA NATHAN HINDI SI ABBY!!