KUWATRO

22 1 0
                                    

"Mamahalin ka rin nun at siya naman maghahabol sayo"

Isang pangungusap na ikinasakit ng puso ko. Feeling ko, mangyayari sakin ang mga salitang binitawan ko.

Hindi ko man masabi kung ano ang eksaktong mangyayari pero alam kong iiyak ako sa bandang huli.

BAKIT KO BA ITO IKINOKUMPARA SA SARILI KO? 

"Abby?" tawag ko sa kanya. Nakatingin kasi siya sa malayo pero hindi na siya umiiyak.

"Abby?" Ulit ko. Parang mali. Parang wala siya sa sarili niya. Nasaan kaya sarili niya? Nasa mars? XD Just kidding.

"Abby" Tinawag ko ulit siya but this time kinulbit ko na siya. "Ha?"

"Kanina pa kita tinatawag pero di ka naman lumilingon. Parang wala ka sa sarili mo. Iniisip mo pa rin ba si kuya?"

"Oo" Simpleng sagot nya.

Naalala ko tuloy yung paguusap namin ni Kuya Nathan sa sala sa bahay.

*FLASHBACK*

Nandito kami ngayon ni Kuya Nathan sa sala. Nagkukwentuhan kasi namiss ko siya. Kakauwi nya lang kasi galing ng Paris.

"oh kuya kamusta?"

"Ayos lang baby. Kayo? kamusta dito habang wala ako?"

"Ok lang kami dito kuya. Namiss kita. namin." Sabay hug. Ganto talaga kami ni kuya sobrang sweet pero nakakaasar pa rin siya. "Kuya?"

"what?"

"Kilala mo diba si Abby?"

"And?"

"She likes you kuya. She really likes you. Hindi mo ba siya crush or like man lang?"

Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

"Ayoko sa kanya." Kuya's said. "But why Kuya? She's pretty naman ah. Mabait, mapagmahal and matalino. Di mo parin siya gusto?"

He sighed. "No. Ayoko sa kanya kahit maganda pa siya or ewan and 1 thing I really asure of is hindi ko siya kailanman magugustuhan."

*END OF FLASHBACK*

Kahit masakit man sa part ko na ganun yung sinabi niya... Hindi rin naman niya madidiktahan ang puso niya.

"Abby are you ok?" Bakit ba kasi minahal niya pa ang kuya ko? Bakit hindi pa rin kayang gustuhin ni kuya si Abby? "Yes. I'm ok Mia. Siguro tama nga siya na epal lang ako sa buhay niya. Na parang kabute na sumusulpot na lang sa tabi niya. Siguro ipapadaan ko na lang ito sa iba" Huh? Ano daw?

"Wait Abby. Anong sabi mo? Di ko gets ee"

"Wala! sabi ko lang magmomove on na ako. Di ko na siya mahal. Kung ayaw niya sakin ... Edi ayaw ko rin sa kanya. Dami pa dyan iba hindi lang siya."

Tapos dun na siya tumawa.

He BROKE my HEART (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon