Ilang araw na rin matapos ang pangit na pagkikita namin ng mokong na yun at masasabi ko lang ...
GINULO NIYA ANG ISIP KO.
Gulong gulo na ang isip ko sa isinigaw niya noon. Bakit kailangan niyang sabihin iyon? para inisin ako? Oy! oy! oy! Nagawa na niya dahil naiinis na ko sa kanya, sa presence niya.
Bakit pa kasi siya nagpakita sakin? Sinasadya niya ba? Ahhhhh! Ang gulo!!
Nasa kwarto ako ngayon nang may magtext sakin.. Isang unregistered number.
Binasa ko.
How I missed my girl.
Wrong send toh panigurado. Binayaan ko na. Wrong send lang naman toh ee.. Ano ba pwede kong gawin ngayon?
*TWIT TWIT TWIT TWIT TEXT MESSAGE*
Hala may nagtext na naman. Kung kelan wala akong load dun kayo magtetext. Mga animal din pala kayo ee.
Sa unregistered na naman nanggaling ang text na toh. Wrong send pa rin ba toh?
I missed the way she touched me.
I missed her kisses and I missed the way she call me BABE. I missed you babe.
Bigla akong kinabahan. Hindi pwedeng galing sa kanya toh. Hindi. Pero... yung word na BABE. Endearment namin yun. Oo namin.
Gusto kong umiyak dahil sa text na yan. Kahit hindi man sakin yan gusto ko pa rin umiyak. Bakit kapag naalala ko siya nasasaktan ako? Bakit kapag nababanggit pangalan niya nahihina na ako? Bakit! Bakit! Bakit!
Tumunog na naman cp ko. Galing ulit sa sa unregistered number. Sa tingin ko hindi na toh wrong send kasi name ko na ang nakalagay sa text niya.
WHAT?
Arisha
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis. Isa lang ang pwedeng tumawag sakin niyan kundi siya. Paano niya nalaman number ko at bakit niya pa ginugulo ang utak ko?? Kainis. Kailangan ko ng load.
Kinuha ko ang wallet na nakapatong sa table ko at agad agad bumaba at lumabas sa kwarto. Lumabas sa bahay at pumuntang tindihan.
"Ate, paload po. Smart alltext 30" Sabi ko sa ateng nagtitinda at nagbabantay. Binigay ko na rin yung number at yung bayad. Agad agad akong bumalik sa bahay at umupo sa sofa ng sala. Mag isa lang ako dito. Ako rin ang nagdesign ng bahay na ito. Pera ko rin ang ipinundar dito. Mabalik na nga tayo sa reyalidad XD
Nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong after nito ay iiyak ulit ako. Maya maya ay nagring cp ko. Tumatawag yung kanina pa nagtetext. Ring siya ng ring, ako naman si shunga na tinitignan lang ang screen ng phone ko. Sasagutin ko ba ito? ha?