Prologue

44 3 0
                                    

January 27, 2030


ASTRID M. FLORES 

Hindi ako makapaniwalang siya ang naging dahilan ng lahat ng aking dinadanas ngayon at dinanas noon. Di ako makapaniwalang ang taong nasa harapan ko ay ang taong nagpapatay sa aking pinakamamahal na ina. Ang taong nagpalagay sa akin sa empyernong lugar na yun. Siya ang dahilan kong bakit ako naging ganito. 

Nakatutok ang hawak niyang mataas na kalibre ng baril sa akin. Ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa pero ramdam ko ang bawat paghinga niya. Ang takot na nasa mga mata niya. Ang bilis na pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang sistema. Ang bawat paghinga niya ay bumibilis ng bumilis. 

Kinakabahan at natatakot siya. Ramdam ko ito. Ramdam na ramdam ko. 
Naglakad ako palapit sa kanya. Habang palapit ako sa kanya ay malakas ko namang pinapatalsik ang mga tauhan niyang walang malay sa sahig. Kanina ko pa kasipinatumba ang 10 security guards niya na puro malalaki ang katawan. 

Takot? 

Wala akong nararamdamang takot sa mga oras na ito. Ang tanging naiitindihan ko lang ngayon sa aking sistema is purely grief, anger, hatred, at gusto ko ring marinig ang sigaw ng lalaking nasa harapan ko. Gusto kong marinig ang pagdurusa niya. 

Palapit ako ng palapit pero bago pa man ako lubusang makalapit sa kanya ay mabilis niya akong pinaputokan. Walang kapawis pawis ko itong inilagan. Ang pagtama ng bala papunta sa akin ay parang singbilis lamang ng pagtakbo ng pagong. 

I have accelerated my perception to its limit. I can perceive everything at my choice of accelerated rate. I can reduce time, slows time, and I have enhance my senses. 

I am at 90% of my brain capacity. Bullets are nothing to me. 

Kaya saan pa ba ako matatakot? 

Hindi ako ang dapat matakot. 

Kundi ang lalaking nasa harapan ko ngayon. 



" You're a demon!" sigaw ng lalaking nasa harapan ko. Bago pa niya madugtongan ang sasabihin niya ay mabilis akong lumapit sa kanya kasunod ng pagsakal ko sa leeg niya. Inaangat ko siya dahilan para bumagal ang pagtakbo ng dugo ng kanyang sistema. 


"Did you already forgot? You made me like this. You and you're experiment. Now I'm putting things to its places. I should put you to death!" sigaw ko. Inilahad ko ang aking kanang kamay. Binago bago ko ang anyo nito. Mula sa kamay ng leon, ibon, T-rex, pterodactyl, at kamay ng buwaya. 

"Ano kayang klase ng kamay ang dapat pumatay sa isang katulad mo?" tanong ko sa nahihirapang humingang lalaki sa harapan ko. 

"Tama, mismong kamay ko dapat ang pumatay sayo. Di sapat ang kamatayan para mabayaran mo ang lahat!"

Inaangat ko na ang aking kamay upang tanggalin ang kanyang puso pero bago ko pa magawa yun ay nakaramdam ako ng matinding pagkahilo. 

I can feel strange energy coming out from my body. 

Biglang nagliwanag ang aking buong katawan dahilan upang mabitawan ko ang lalaking hawak ko. Di ko maintindihan ang nangyayari. 

"Anong nangyayari!! Hindi! Hindi pwede!"

Hindi maari! 




100%

I'm AstridWhere stories live. Discover now