February 09, 2018
Dearest Diary,
Pangalawang araw na simula nung nakatakas ako sa lugar na iyon. Nandito parin ako sa hospital nagpapagaling sa mga sugat ko sa katawan. Sugat na mula sa mga karayom at iba't ibang uri ng apparato na ginamit nila sa akin. Akala ko talaga ay habang buhay na akong makukulong sa loob ng empyernong yun. Akala ko talaga ay di na ako makakaalis pa.
Namiss ko talaga ang sariwang hangin. Ang mga halaman, mga bulaklak at ang amoy ng kalayaan. Pero kung meron man akong namiss ng sobra diary yun ay ang aking ina. Ang aking ina na pinatay sa mismong harapan ko. Walang awang pinatay ang aking inosenteng ina ng mga demonyong dumokot sa akin. Di ko alam kung bakit sa lahat pa ng tao sa mundo ay ako ang napili nila. Bakit ang ina ko pa? Bakit kailangan pa nilang patayin ang aking pinakamamahal na ina?Simula sa araw na ito ilalaan ko ang natitirang oras ng aking buhay sa paghahanap ng hustisya para sa aking yumaong ina. Sisiguraduhin kong magdurusa ang taong may pakana ng nangyari sa akin.
Lintek lang ang walang ganti.
Magbabayad ang mga dumukot sa akin. Papatayin ko silang lahat gamit ang aking sariling mga kamay. Hindi ako titigil hanggat di ko sila nauubos.
Magbabayad sila.
Nagmamahal,
Astrid
YOU ARE READING
I'm Astrid
Mystery / Thriller"If you are only using 10% of your brain's capacity, I will access mine up to 100%. I'm a product of an experiment. I can feel everything. I can sense everything. I will reveal the mysteries of the human brain. I'm Astrid and this is my diary." Ep...