March 02, 2018
Dearest Diary,
Nahirapan ako sa paghahanap ng tamang lugar na pangsamantalang pagtataguan. Mga isang araw din akong naghanap. Ngayon ay nandito ako sa isang tenement. Napakaraming mga taong nagsisiksikan sa lugar na ito. Umupa ako ng isang kwarto. Sakto lang para sa akin. Ginamit ko ang ipon ko bilang pambayad.
Habang nakahiga kanina ay di ko maiwasang maisip ang nangyari sa akin sa loob ng laboratory. Pakiramdam ko ay para akong ibon na nakakulong sa hawla.Ibon na ginawang specimen sa isang experimento. Di ko alam kung anong goal nila sa ginagawa nila sa akin, pero ang alam ko lang ay gusto nilang makagawa ng isang perpektong tao na kayang i-access ang 100% ng brain capacity nito. Sabi kasi nila na ang tao daw ay gumagamit lang ng 10% ng brain capacity. Which made us weak and mortal. Marami pang satsat ang isa sa mga mad scientist sa amin nung time na yun eh. Pero di ako nakinig. Preoccupied ang utak ko sa pagkamatay ni mama sa mismong harapan ko. Para akong natrauma dahil sa nangyari sa akin.
Amin?
Tama ang basa niyo. Amin~ dahil hindi lang ako ang kinuha nila marami kami. 12 ata kami na nasa loob ng laboratoryong yun. Yung iba sa amin ay namatay first stage palang ng experiment. Nasa last stage na ang experiment ng maraid ng mga police and tasks force ang laboratory na yun. At 5 nalang kaming umabot sa stage na iyon. Di ko na din alam kung ano ang nangyari sa apat ko pang kasama. Basta pinagdadampot nalang kami ng mga otoridad nung oras na yun.
Nakakapagtaka lang talaga dahil pakiramdam ko ay mas tumalas ang pandinig ko. Pati ang perceptual senses ko ay mas tumalas. Mas madali na din sa akin ang pagtalon ng matataas na lugar. Pakiramdam ko ay gumaan ng sobrang ang katawan ko.
Di kaya ito na ang epekto ng experiments ng mga demonyong yun sa akin?Kung gayun man ay mas mabuti dahil gagamitin ko ito laban sa kanila.
Para sa aking ina. Para sa aking paghihigante.
Vengeful,
Astrid
YOU ARE READING
I'm Astrid
Mystery / Thriller"If you are only using 10% of your brain's capacity, I will access mine up to 100%. I'm a product of an experiment. I can feel everything. I can sense everything. I will reveal the mysteries of the human brain. I'm Astrid and this is my diary." Ep...