February 28, 2018
Dearest Diary,
It's been 22 days simula ng araw na nakatakas ako sa empyernong yun. Di ako masyadong nagtagal sa loob ng hospital dahil alam kong nanganganib na ang buhay ko. Di rin ako nagpakita sa mga pulis. Di ako nagtitiwala sa kanila. Wala na dapat akong ibang pagkatiwalaan pang iba kundi ang sarili ko. Ang sarili ko lang ang aking tanging kakampi. Ang tangi kong aasahan.
Hinanap ko din kung saan nila nilibing si mama pero bigo akong mahanap ito.
Alam kong pinaghahanap na din ako ng mga membro ng secret organization na kumulong sakin sa laboratory na yun at ginawa akong specimen.
Kanina ay sandali akong bumisita sa bahay. Napakagulo at napakalat ng loob nito. Habang naglilibot ay dahan dahang bumabalik ang mga memories namin ni mama. Ang masasayang araw namin sa kusina. Masaya kaming kumakain. Nagtatawanan at nagbibiruan. Pero di na pwedeng ibalik ang mga panahong yun. Wala na si mama, wala na siya. Di ko naiwasang maluha dahil sa lungkot na aking nararamdaman.
Pero pinigil ko ang aking sarili na maging emosyonal. Wala nang magagawa ang aking pag iyak di na nito mababalik ang dati. Ang mahalaga ang ngayon at ang hinaharap. At sisiguruhin kong magtatagumpay ako sa aking paghihigante.
Kinuha ko kaagad ang mga gamit sa loob ng aking kwarto na pwede ko pang gamitin. Pumunta din ako sa kwarto ni mama. Kumuha ako ng ilang litrato naming dalawa. Kinuha ko rin ang ipon ko at ang mga bank cards ni mama. Magagamit ko ito upang magsimulang muli. At upang makapagsimula na sa aking paghihigante.
Habang nasa loob ng bahay ay nakarinig ako ng ingay ng mga sasakyan. Di ko maintindihan pero parang naririnig ko din ang mga usap usapan ng mga taong nasa loob ng sasakyan. Di nagtagal ay huminto ito sa harapan ng bahay namin. Sinilip ko ito at ganun nalang ang paglaki ng aking mata ng makita ko kung sino ang mga nasa labas--- mga lalaking nakaitim, armado at mamalaki ang katawan. Napansin ko din ang pamilyar na logo sa kanilang suot na damit. Di ako maaring magkamali yun ay ang logo ng secret organization na nagpadukot sa akin.
Tama nga ang hinala ko. Pinaghahanap parin nila ako.
Mabilis akong umaykat sa second floor ng bahay namin at tumalon mula sa bintana. Tumakbo ako sa mga bubong ng kalapit na bahay.Buti nalang at di nila ako nakita.
Vengeful,
Astrid
YOU ARE READING
I'm Astrid
Mystery / Thriller"If you are only using 10% of your brain's capacity, I will access mine up to 100%. I'm a product of an experiment. I can feel everything. I can sense everything. I will reveal the mysteries of the human brain. I'm Astrid and this is my diary." Ep...