"So, guys... eto na ang supplementary copies nyo. Next next week pa talaga ang release nyan though." Narinig kong sabi ni Mr. Ramos, ang head ng DewTeen magazine na pingmodelan namin nina Micchan last time.
Nasa office nila kami, nagmi-meeting. About what? I can't say for sure. Nakatingin lang naman kasi ako sa kanila pero hindi ako nakikinig. Yung pinakahuli na lang talaga kasi may inilapag sa harap ko ang isang employee: yung output nung magazine. Dapat naman kasi hindi ako pupunta eh, hinila lang naman kasi ako nung napagutusang sumundo saking halimaw na katabi ko ngayon. =__=*
Sumunod na lang si Micchan dahil syempre, secret nga true identity nya 'di ba?
Kinuha ko yung copy sa harap ko at tiningnan itong mabuti; sino ba tong nasa gitna nila Micchan?
Nakita ko dito si Mikhael na naka-smirk at si... Brian na nakapokerface na pinapagitnaan ang isang babae na nakasuot nung katulad nung suot ko noon at naka-glare sa camera. Nice, ang fierce. >u<
Nagre-shoot kaya sila?
-__- ==> O __ O
Kinalabit ko si Micchan na nasa tabi ko, "Uh, uhmmm.... Micch- I mean, Mikhael..." bulong ko sa kanya, "A-ako ba 'to?" tinuro ko yung babae sa cover.
biglang natawa si Bes,at panandaliang tumahimik ang lahat. "Sorry... Sorry..." Sabi niya pagkatapos nyang makarecover.
"Anong nakakatawa?" nagtatakang tanong ni Mr.Ramos.
Sasagot na sana ako ng wala kaso naunahan ako ni Mikhael, "She's asking me if she is the girl on the cover."
"Why, of course that's you!" patawa-tawang sabi nito, "Sino ba sa akala mo yun?"
Well, duh! Anlayo kaya sa normal look ko! Normally, my make-up would be more of the light and girly but this time, ginawa nila akong "rebellious" type tapos dagdagan pa ng wig with highlights. Hindi ako sanay!
"Eh, sir... bakit po kasama ako sa cover? diba extra lang ako?" tanong ko sakanila.
"Extra?" tumaas ang makapal na kilay ni Mr. Ramos, "You are famous, Ms. Punzal... one of the top rankers before you quit! you can't just be an extra! We will launch this magazine with you as a special feature... You're okay with that, right?"
So, is that why merong nang-interview sa akin last time? Damn. Well, I guess I'm okay with it but...
~ Ring Ring ~
Ay! hindi ko pala nai-silent yung phone ko! Nag-excuse ako at tiningnan kung sino ang tumatawag- HOLY-! anlakas naman ng pakiramdam nito! Nagpaalam akong lalabas muna ako sandali dahil importante yung call.
"*sigh* here goes nothing..." pinindot ko ang answer button at binati si mom.
Yes, it's my mother... and she was asking me where I am since may kailangan daw syang sabihin sa akin.

BINABASA MO ANG
Once Upon a Tree
Любовные романыMahilig akong umakyat ng puno, madalas na akong nahulog pero hindi ko inaakala... na nung nahulog ako nung araw na yon, magiiba na ang mundo ko.