"Goodmorning...."
Naramdaman kong may nagshake sakin pero hindi ko na lang pinansin.
"Psst... Gising na..."
Hindi pa rin nya tinitigilan ang pang-aalog sakin kaya tinaas ko ang ulo ko sa pagkakadukdok sa unan.
"Woah! Ba't ganyan itsura mo?!" Gulat nyang tanong sakin.
"Ah, Micchan... Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" =___=
Bumangon ako at umupo sa bed habang nakapikit at akap ang unan.
"Awww, bes naman... Ayaw mo ba ako makita? Ang ganda ng sikat ng araw tapos ikaw bad mood agad."
Umupo sya sa tabi ko.
"Hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi eh."
"Bakit naman? Magbihis ka na, may pupuntahan tayo."
"Huh? Saan naman? ang aga aga pa, ala pang bukas na mall."
Medyo dinilat ko mata ko.
"Sira! anong maaga pa?! 11 na kaya!"
Kinuha ko yung alarm clock ko, 11 na nga.
"Oh? anu naman ang meron?"
"Tinext kaya kita kagabi, sabi ko may lakad tayo ng lunchtime!"
Dinukdok ko ulit ulo ko sa unan, antok pa ako eh.
Tinanggal nya ang hawak ko sa unan ko at hinila ako patayo.
"Bilis! male-late tayo nyan eh!"
"Ehhhh! anung meron ba kasi?"
"Basta!!! Maligo ka na! hintayin kita sa baba!" sabi nya sabay hagis ng towel sakin.
Lumabas na sya at ako naman, pinilit tumayo.
Naman oh, tinatamad pa naman ako ngayon. =__=
Anyway, since hindi pa talaga ako ganap na nagpapakilala sa inyo...
Ako si Nellie Mace Punzal, 16 yrs. old, graduating ng highschool. 5'3 in height, I have a wavy elbow-length hair, mahilig sa pagdadrawing, reading books and fashion (medyo lang) and... hm... yun lang. Wala naman kasing akong special features eh.
Nakatapos na akong maligo, mukha pala akong ewan kanina; Natakot nga ako sa sarili ko pagtingin ko sa salamin eh. Hahaha.
Bumaba na ako at dahil may lakad kami ni Micchan, nakapang-gayak ako. Pero simple lang naman suot ko, white loose shirt, tattered jeans, at gladiator sandals. Tapos tinali ko ng paside yung buhok ko at naglagay ng konting concealer, halatang puyat eh.
"Try mo 'to. Cute at mukhang comfortable." Binigyan nya ako ng simple floral summer dress.
Andito kami ngayon sa isang mall malapit samin. Bibilan nya daw ako ng dress as gift sa pagpasa ko sa university. Ang bait talaga ni bes! ^_^
*Groooowll*
"Ah, ano... Micchan, pwedeng kumain muna tayo? gutom na ako eh."
Magda- dalawang oras na kasi kami nagsho-shopping at since hindi pa nga pala ako nakakakain ng umagahan, nagparamdam na ang tyan ko.
"Ay, sige. Babayaran ko na lang tong mga binili ko."
Pagkatapos namin magbayad, pumunta kami sa Mcdonald's, I suddenly had a craving for burger and fries eh.
"Hoy bes, pwede magtanong?"
Nakaupo na kami ngayon at ako'y kasalukuyang lumalamon- este, kumakain ng BigMac.
Gusto ko sanang sabihing, "Nagtatanong ka na nga diba?!" pero dahil masyado akong busy,tumango na lang ako.
"May nangyari ba sa Univ kahapon?"
"*cough* *cough*" halos mabulunan ako sa tanong nya.
"Oh! Ayos ka lang ba?!" alalang-alala ang mukha niya habang tinatapik ako sa likod habang ako naman, umabot ng inumin.
Namumula ako ng makahinga na ako ng maayos. Hinihingal pa ako ng konti.
"Grabe ka naman kasi. Hinay hinay lang. parang di ka babae nyan eh." Medyo patawa-tawang sabi ni Micchan.
"Sorry naman. Nabigla lang."
"Eh anu ba kasi ang nangyari at ganyan ka na lang kung magreact?"
"W-wala naman..." (,=.=)
Tinaasan nya naman ako ng kilay, "Naku, Nellie Mace Punzal! I've known you for six years now, at yang mukhang yan ay nagpapahiwatig na may tinatago ka! Isa pa, hindi ka nagreply sa mga texts ko kahapon or answer my calls. You didn't even get a good sleep!"
"Wow Micchan ah, ano 'to, investigation?"
"Oo! May angal?! Bilis!"
Since talagang hindi ako tinigilan nitong babaeng to at kahit anung gawin kong change topic, hindi gumana... kinwento ko sa kanya ang mga nangyari at ang abnormal, kinilig pa!
"Ayyyiieee!!! Eh anu namang ginawa ka nyang i-hu-!"
"Ssssshh!!" tinakpan ko yung bibig nya, "pinagtitinginan na tayo eh! =__=
"Sus, hayaan mo sila! So, ano na nga?"
"Ha? ano ba?"
"Anong ginawa mo after?!"
"Ah... h-hineadbutt ko sya then sinipa sabay takbo paalis."
"Hahahaha! grabe ka gurl, ginawa mo talaga yun?"
"Ay sige, tawa pa. Grabe ka. Buti nga hindi ko sya binugbog eh!"
"So? gwapo ba?" tanong nya habang nagpupunas ng luha gawa ng sobrang pagtawa.
Ang galing talaga ng bestfriend kong 'to, tuwang tuwa! nakuha pang itanong kung gwapo! Hindi man lang ako icomfort kahit papano... may nawala sakin nuh! TT_TT
"Aba malay ko sakanya! Tingin mo ba may pake pa ako kung ano itsura nung bwisit na yun?!" >:I
"Aw, ba't hindi mo tiningnan? First mo pa naman yun!"
O_O nagtinginan yung mga tao sa katabi naming table
"Micchan naman eh! Iba na iniisip nung iba!" >///<
"Ay, hehe... Sori naman, napalakas pala." ^_^v
"Tara na nga... kung masyado na tayong nakakaistorbo dito." =///=
Tumayo na kami at palabas na ng biglang tumunog yung cellphone ni Micchan.
"Hello?" nagform sya ng "sorry, wait lang" sign sakin. tumango na lang ako.
Ang tagal din pala naming nakatengga sa Mcdo, 4 na halos oh.
"Ha?! P-pero!" napatingin ako kay Micchan, mukhang problemado...
Siguro manager nya yun, violent reaction agad eh.
"Ngayon na?! Hindi pwede! napagusapan na natin to diba?! Ma- Hello? Tch! Badtrip!"
Nilapitan niya ako, "Bwisit na yun! Pinagbabaan pa ako!"
"Sino ba yun at mukhang galit na galit ka?"
"Pasensya ka na bes ah... kelangan kasi nila ng tulong sa studio eh..."
"Ah! Ok lang, pupunta ka na ba dun ngayon?"
"Kasama ka!"
"Sige-" Wait, ano daw? KASAMA AKO? O_O "Ha?! Ba't pati ako?"
"Basta!"
BINABASA MO ANG
Once Upon a Tree
RomanceMahilig akong umakyat ng puno, madalas na akong nahulog pero hindi ko inaakala... na nung nahulog ako nung araw na yon, magiiba na ang mundo ko.