Chapter 2

17 0 0
                                    

Kinabukasan, habang naglalunch ang tropa nang maalala ko yung malaking problema ng ugok kong bestfriend. “Guys, I have a very serious matter to discuss with you.” Seryosong sabi ko. Napatingin naman silang apat sa akin at napatigil din sa pagkain. Parang naghihintay sila sa susunod kong sasabihin.

“Kelangan ko ng babae,” lahat sila napanganga sa sinabi ko. Well, of corse except kay CJ na nagets naman na ang ibig kong sabihin. Mukhang di lang talaga siya makatyempo ng pag-oopen nung topic.

“What the?! Sabi mo serious matter tapos kelangan mo lang pala ng babae?” angal naman ni Lee. Nabitin kasi pagkain niya ng siomai na favorite niya hahaha.

“Bro, pag babae ang usapan serious matter talaga yun ok?” hirit naman ni Chard. Binatukan tuloy ni Jayce.

“Seriously, para saan ang babae? You didn’t ask naman before kung may pinopormahan ka di ba?” seryosong tanong ni Jayce.

“Hindi naman kasi para sa akin yun eh. Para yun kay CJ.” Sagot ko. Napatingin naman sila kay CJ.

“Don’t look at me like that. Ang creepy niyo,” si CJ. Nanlalaki kasi mga mata nung tatlo. Kahit si Lee na intsik namilog ang mga mata hahaha.

“What the heck pare? Kahapon lang ikaw tong may pa-focus-focus na sinasabi dyan tapos ngayon kelangan mo ng babae? What for?” naguguluhang tanong ni Jayce.

“Oo nga pre. Why so sudden? Mamamatay ka na ba at kailangan mo ng babaeng aanakan?” Si Lee. Binatukan ko nga, daming alam eh.

“G*go! CJ ikaw na nga magpaliwanag sa mga ugok na yan,” utos naman niya sa akin. May choice pa ba ako?

“Kelangan niya ng babaeng magpapanggap na girlfriend niya. Isa’t kalahating tanga ba naman na sabihin kay tita na may gf sya kahit wala. Gustong mameet ni tita yung gf niya kuno kaya ayan problemado,” naiiling na paliwanag ko. Tumango-tango naman yung tatlo. “So any suggestion guys?” tanong ko sa kaniya. Nagtinginan naman yung tatlo nang makahulugan. Mukhang may naisip na sila. Ayos to!

“Eh di maghahanap tayo nga chikababes na pwedeng maging girlfriend nitong si CJ,” suggestion ni Jayce.

“Para naming di mo to kilala. Ayaw niya ng kung sino lang. At knowing all the girls here, pag nalaman nilang may girlfriend si CJ, for sure, di nanaman nila to tatantanan.” sagot ko naman. Alam kasi nilang walang tumatagal na girlfriend si CJ kaya aabangan nanaman siya ng mga babae kung kelan niya ito ibebreak para sila naman ang magpapapansin. That always happened before.

“Well, why don’t we look for a pretend girlfriend? Magpaaudition tayo dito sa campus kung sinong fit maging girlfriend ni CJ.” Si Lee naman. Agad na binatkan ko sya. “Are you insane? Magkakagulo sa campus pag ginawa natin yun. Baka may magpatayan pa pag hindi sila napili.

“You have a point there, Sweety,” psh. Si Richard yan. Nang-pflirt nanaman.

“Ay nako Chard tantanan mo ko jan sa pa-sweety-sweety mo. Nakakakilabot ka,” iritableng sabi ko. Nakakabanas eh. Tumatayo balahibo ko.

“Pero seryoso, ano nang plano?” pagpaaptuloy ko sa usapan.

“Then let’s go somewhere else. Doon tayo maghahanap ng girlfriend ni CJ,” si Jayce.

“I’ll take  that one,” sagot ni CJ.

“So san tayo?” tanong ko.

“Out of town bukas? How about Batangas?” suggestion ni Chard.

“Game.” Sabay-sabay na sagot naming apat. Saturday na bukas kaya ok lang mag-out of town.

-------

She's One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon