Chapter 1

27 0 0
                                    

"CJ..." ang lambing talaga ng boses nya.

"CJ..." palapit na sya ng palapit sa akin habang ako naman tulala lang sa ganda niya.

"CJ..." Hinawakan niya ako sa balikat... at biglang inalog alog ako?

"Hoy CJ! Carlaaaaaaa Janeeeeee!" Putek! Ba't alam niya pangalan ko?

"Pag hindi ka pa bumangon dyan malelate na tayo!" Tapos bigla akong nakaramdam ng isang malakas na hampas sa balikat. Saka lang ako bumalik sa katotohanan.

"Takte naman CJ kanina ka pa nagdedaydreaming dyan. Anong oras na ohh? Iniwanan na nga tayo nung mga ugok eh. May quiz pa tayo. Tara na!" sabi niya saka tumayo at mabilis na naglakad.

"Adik mo naman tol eh. Ba't di mo ako ginising agad?" tanong ko sabay patakbong sumunod sa paglalakad niya.

"Sira ka ba? kanina pa nga kita ginigising sa pagkakatulala mo eh ayaw mo naman magising. Ano nanaman ba iniisip mo?' tanong niya.

"Hindi ano. Sino dapat. Aysh! Ikaw kasi naputol tuloy yung panaginip ko. Ang lapit na tol oh, konti na lang ikikiss na ko nung chix tapos bigla kang nanghahampas dyan," angal ko.

"Kasalanan ko pa ganon? Buti nga ginising kita kundi di ka makakapagquiz. Malamang nakanganga ka pa din dun hanggang ngayon. Haha!" tatawa tawa pa nitong sabi.

"Ulol! Di kaya ako nakanganga! Haha!"

"Hahaha!" langya tinawanan lang ako. Tumahimik na lang ako habang naglalakad kami. Para kayang sa text lang. Pag "haha" na initext sayo rereplyan mo pa ba?

Sino nga ba tong kasama ko? Sya lang naman ang ubod ng gwapo kong bestfriend. Sikat sya dito sa school, pati na din yung iba naming tropa. Sya si Christian Joaquin, CJ for short. At oo, pareho kaming CJ ang nickname.

Una kaming nagkakilala nung Grade1 pa lang kami. Bagong lipat sila sa subdivision na tinitirhan namin. Akala pa nga niya ginagaya ko nickname niya, at pinagbintangan pa akong may crush daw sa kanya. Naisip ko naman noon na pwede nga din, pero, duh! bago pa kame magkakilala yun na talaga nickname ko noh! Saka bata pa lang din ako alam ko na sa sarili ko kung ano ba talaga ako. Kaya nga kami naging close dahil pareho kami ng hilig noon eh. Siguro dahil na rin si Daddy lagi kong kasama kaya naging ganito ako. Lagi kasing wala si Mommy. Mas busy pa siya sa business niya kesa sa akin na anak niya. Pero nasanay na din naman ako na lagi syang wala. Kasama ko naman si Daddy at si CJ kaya ok na din ako. Minsan sa bahay ko natutulog si CJ o kaya naman ako ang natutulog sa kanila. Lagi din naman ako binibigyan ni Mommy ng sobra pa sa kailangan ko kaya walang problem. Nililibang ko na lang sarili ko.

Ang parents naman niya nasa New York ngayon. Nandoon kasi ang work nila. Gusto na nga nilang magmigrate kaso ayaw nitong si CJ. Liberated daw kasi mga tao sa Amerika. Di naman sa allergic sa babae itong bestfriend ko pero ayaw niya lang talaga sa mga clingy. kaya nga walang tumatagal na relationships sa kaniya eh, madalas kasi selosa yung mga nakakarelasyon niya at ayaw niya sa ganoon. Hindi pa naman daw kasi niya balak magseryoso para magtagal sa mga selosang babae. Gusto lang niya yung chill lang. Kaya ayon, puro fling lang ang alam niyang gawin ngayon. No strings attached ika nga nila.

She's One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon