------> selfie ni CJ sa loob ng Van.
Kinabukasan ay maaga kaming umalis, magrereview pa kasi kami dahil start na ng exams bukas. Natulog lang kami buong byahe dahil pare-pareho kaming puyat kagabi.
Una naming inihatid si Jasmine tapos si Richard at Lee, then ako.
“Bukas na lang natin pag-usapan yung plano ha? Mag-aral ka muna. Don’t bother yourself too much. Ako bahala sayo.” Bilin sa akin ni CJ. Halata siguro niya na hindi pa din ako masyadong mapakali simula pa kagabi.
Tumango na lang ako at ngumiti. “Bye CJ, bye Jayce. Salamat sa paghatid,” pagpapaalam ko sa kanila. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako pumasok sa loob ng bahay.
“Hi Baby. So, how was your trip?” tanong sa akin ni Dad nang Makita niya ako papasok sa bahay.
“It was fun,” walang-ganang sagot ko.
“Hmm, it’s not so obvious in your face. You look stressed,”
“Pagod lang ako sa byahe, Dad saka medyo napuyat lang ng konti. I’ll just take a bath then tulog muna ako ha?”
“Okay. I’ll just wake you up pag lunch na.”
Yun lang at umakyat na ako sa kwarto.
------
Isang oras na akong nakahiga pero hindi pa rin ako makatulog.
The deal still bothers me.
Weird, but hindi talaga ako mapalagay sa gagawin namin. Parang… nakakailang?
Imagine, we are bestfriends for more than half of our lives. I cannot imagine myself acting like a caring girlfriend, especially in front of his mother. That’s insane!
Okay, maybe I’m over reacting. Pero kayo kaya lumagay sa tayo ko. I’m no ordinary girl. I’m a boy at heart! I’m not one of those girls who will do anything and everything just to catch CJ’s attention. And I’m his bestfriend.
Ano bang alam ko sa girlfriend thingy na yan? Psh.
-------
Natapos ang maghapon na wala akong ibang ginawa kundi ang humilata. Hindi na nga ako nakapagreview ng lesson eh. Hindi ko alam kung bakit sobrang bothered talaga ako sa deal na yon.
Lumabas na lang ako ng kwarto para magmeryenda. Nadatnan ko si daddy sa kusina na nagpeprepare na ng dinner namin.
“Hi Sweety! How are you na? Okay nab a pakiramdam mo?” concerned na tanong sa akin ni Daddy.
“Yes, Dad. Okay na po ako.” Nakangiting sagot ko.
“Oh, before I forget, dumaan si CJ dito kanina, hinahanap ka,”
“Bakit daw po? May ibinilin po ba siya?”
“Pupunta daw siya dito mamaya. Dito siya magdidinner.”
“Po?!?” gulat na tanong ko.
“Bakit parang gulat na gulat ka?” nagtatakang tanong ni Daddy.
“Ah eh, wala lang po. Hehe.” Tumango na lang si Daddy sa akin at itinuloy na niya ang ginagawa niya kanina.
Hindi ko din alam kung bakit ganon na lang ako magreact. Weird talaga.
Kumuha na lang ako ng tubig at bumalik na sa kwarto ko.
I really feel weird now.
-------
Ano kaya ang kelangan niya? Wala naman kasi kaming usapan na magkikita ngayon. Oh well, baka naman yayayain lang ako magreview nun.
BINABASA MO ANG
She's One of the Boys
Novela JuvenilCan bestfriends really stay as friends forever? Maybe. Cause She's One of the Boys. But, paano kung maglaro si Destiny? Will they endure it?