Chapter 1

29 2 10
                                    

*Tina's POV*
"I'm breaking up with you, Tina."

Napatigil ako sa pagsusulat. Dahan-dahan akong tumingala sa lalaking nasa aking harapan.

"W-what?" tanong ko na bahagyang tumawa. "You're kidding, right?"

"No. Seryoso ako." Umiling ito at yumuko.

"Damn you, Kent!" sigaw ko sa kanya.

Napatingin sa amin ang lahat ng mga estudyante sa library. Wala akong pake. Papatayin ko talaga ang lalaking nasa harap ko ngayon.
Hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Tina please. Calm down." Hinging paumanhin nito.

Hinila ko ang kwelyo ng uniform niya.

"How can I calm down huh? We've been lovers for 3 years and now what? You're breaking up with me! With Kristina Suarez! Hindi mo ba alam kung ilang mga lalaki sa campus natin ang naghahabol sa'kin ha? You're damn lucky!"

Halos pumatak na ang mga luha sa aking mga mata.

"Teka Tina." Inalis nito ang mga kamay kong nakahawak sa uniform niya. Nasakal ko yata.

"Look. Mahal kita. Mahal na mahal. Pero, hindi tayo pwede." Malungkot na sambit nito.

"Bakit?" tanong ko. Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. "Mahal naman kita eh. Mahal na mahal. Kent naman!" Napahagulhol na ako sa iyak.

"Sshh. Tahan na." Pinahid nito ang aking mga luha. "Sorry, Tina." Napabuntong hininga ito.

"Nakabuntis kasi ako."

Isang malakas na sampal ang binitiwan ko. Napahawak si Kent sa namumula niyang pisngi.Napalakas ata ang pagsampal ko.

"Tina please. Patawarin mo ako."

Tinangka niyang hawakan ang mga kamay ko ngunit inilayo ko ito.

"No!" sigaw ko. "Grabe Kent! For 3 years, ni hindi mo nga ako magawang halikan dahil sabi mo, bata pa tayo at nirerespeto mo ako. Pero ano? Yun pala, may ginagawa ka ng kababalaghan sa ibang babae! Sabihin mo nga, ilan pa kaming mga babae mo?"

"Tina, maniwala ka. Ikaw lang ang mahal ko. Pinikot niya lang ako."

Umiling ako. "Stop it, Kent! Nagustuhan mo rin naman diba? Diba?!" singhal ko sa kanya.

Nanatili lang itong walang imik.

"Now Kent, tell me. Who's this bitch you make love with?"
Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Tell me!" sigaw kong muli.

"Si Julianne." Sagot nito at hinawakan ang mga braso ko. "Please Tina. Don't mess up with her. Makakasama sa lagay niya."

Inalis ko ang mga kamay niya.

"Don't touch me!"

Sinampal ko ulit siya.

"That bitch. Mas concern ka pa ngayon sa kanya? At ako pa ang naging kontrabida? "

Napatayo ako.

"Okay Kent Relayson. Panagutan mo siya, yun naman ang gusto mo diba?"
Napatayo din ito.

"And us? Well, it's over. I'm done with you." Sambit ko at tuluyan ng umalis.

Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko ngunit hindi na ako nag-atubiling lumingon.

Binilisan ko ang pagtakbo kasabay ng mabilis na pagtulo ng aking mga luha.
💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕

“That asshole!” Napalakas ang sigaw ng kaibigan kong si Euki.

Pagkatapos ng nangyari sa akin
sa library, agad akong nakipagkita sa tatlo kong mga kaibigan, o mas tamang sabihing bestfriend.
We’ve known each other since elementary. Kaming apat ang talagang close sa isa’t-isa, ni
walang may makakapaghiwalay sa’min. Nung una, ni hindi kami nagpapansinang apat, pero sa
hindi malamang dahilan, natuklasan na lang naming komportable kami sa isa’t-isa. At ng maglaon, nagging mag-best friend na nga kaming apat.

“He’s such a jerk!” dugtong ni Praicy.

Niyugyog nito ang mga balikat ko.

“You wouldn’t let this go away, right? Revenge him!”
Napailing ako.

“No. I’ve had enough. Ayoko na ng away.”

Napatayo si Rhianne. “No stupid.”

Hinila niya ako patayo. “You, pretty, will get your revenge. Tutulungan ka naming tatlo. Hahayaan mo na lang bang pagtawanan ka nila?”

“Pero kasi . . “ sambit ko ng may pag-aalinlangan.

“Oh come on!” Euki rolled her eyes in disbelief.

“What’s gotten into you? Dapat lumalaban ka Tina! My god! Remember, you’re one of the prettiest girls here in our school. Kung gusto mong gumanti, maraming lalaki diyan na pwede mong gamitin. Gawin mong rebound!” Humalakhak
ito.
“This scheme will surely work.”
“Tama!” dugtong ni Praicy.

“Pero, dapat hindi basta basta yung lalaking gagawin mong rebound.
Dapat yung kilala rin sa campus. Yung tipong gwapo, mayaman, at syempre, heartthrob.”

“Oh I know someone!"
Napatingin kami kay Rhianne. Napangiti ito ng pagkatamis-tamis.

“My cousin, Jared Rustie Dastan Cruz, will be a great catch!”

“Yes!”

“Nooooo!”

Sabay kaming nagsigawang tatlo. Muhkang desidido nga sila sa plano nilang pagganti.

“No way!” mariing usal ko. “Are you guys out of your mind? He’s also a jerk!”

“Well, tamang tama. Bagay sila ni Kent. Both jerks.” Sambit ni Praicy na humagalpak sa kakatawa.

“Shut up.” I hissed. “Guys look, hindi ko magagawa yang mga pinagsasabi niyo. Kinamumuhian
ko ang lalaking yun.”

“Naku Tina! Wake up. Ano pa bang hinahanap mo? He got everything. Biniyayaan. Blessed.” Sambit ni Euki sabay kislap ng kanyang mga mata.

“Damn it! He’s a playboy.” I rolled my eyes. “At isa pa, hindi ko siya type.”

“Oops sweetie, you’ve got it all wrong.” Napangiti si Rhianne sa akin.
“He won’t be your
boyfriend for real, he’ll just be a rebound, remember? Well unless, you’ll fall inlove with him.”

Napangisi silang tatlo.

“Whaaat? No way stupids!” Napabuntong- hininga ako.

“Fine! You want me to revenge Kent? I’ll do it. You want Dastan to be my rebound? Sure. Just to prove you guys that I, Kristina
Suarez, won’t fall inlove with a jerk named Jared Rustie Dastan Cruz! Never!”

Pumalakpak silang tatlo.

“Great! Tamang-tama, broken hearted rin yung pinsan ko dahil kaka- break lang nila ng bruha niyang girlfriend.”
Dahan-dahang bumulong si Rhianne sa’kin.

“You
two will make a great couple.” Bumungisngis pa ito.

“Rhianne!” suway ko rito. Napatawa lang ito.
“Okay guys! So our first move, make Dastan notice Tina.”

Napatingin si Euki sa akin. “This is
easy, right Tina?”

Napailing lang ako. “Oh don’t worry. I’ll talk to him personally.” Prisinta ni Rhianne.

“Nice! Napakadali lang pala nito. I’m sure bukas, boyfriend mo na si Dastan.” Sambit ni Praicy at napatawa naman silang tatlo.

Tinitigan ko lang sila ng masama. Revenge huh? Sana nga
magtagumpay’tong plano namin. Mahal pa naman kita Kent, pero binale-wala mo lang.

Loving Mr.ReboundWhere stories live. Discover now